EPILOGUE
FRANCIS'S POV
2 months later ...
Nasa isang coffee shop kaming tatlo ngayon na magkakaibigan , na sina Fred at Mike . Napapailing nalang kaming dalawa ni Fred habang nakatingin kay Mike na nagmumukmok ngayon sa kanyang kinauupuan , yan ang napapala ng mga manlolokong bata .
Alam niyo ba ? malamang hindi . Yan kasing si Mike ay hindi naman pala nagkaroon ng amnesia ? sira ulo hindi ba ? all this past few years ay niloloko niya lang pala kaming lahat . Nasuntok ko pa nga yan e , at kung hindi lang ako napigilan ni Sic , baka hindi lang isang suntok nabigay ko sa kanya at baka maagang kamatayan niya pa .
Ughh ! Pero malaki parin ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa pananahimik niya , dahil kung hindi , ay wala sa akin ngayon ang taong mahal ko lalong lalo na ang anak ko .
At kaya pala nagmumukmok ang lalaking iyan ay dahil isang lingo ng nawawala ang My heart niya , corny -_-# . Paano nawawala ? ganito kasi yan ' ,nung time kasi na umamin samen si Mike na wala talaga siyang amnesia at inamin pang mahal pa niya si Jazmine ( f*ck that ) ay nasaktuhang nandoon si Abigail at narinig ang lahat ng iyon , kaya ayun , simula nun hindi na ito nagpakita sa kanya , kaya ayan ang resulta . Para siyang binagsakan ng langit at universe dahil sa itsura niya .
" Pumunta ka na ba sa probinsya nila ? " tanong ni Fred sa kanya , mabilis na umiling ito " Oh ? bakit hindi ka pumunta dun ? malay mo nandoon lang siya "
" Knowing the probinsyana peoples , baka maaga lang akong mamatay kapag pumunta ako doon noh ? sabi ni Niel nanghahabol ng mga itak ang mga taga probinsya kaya hindi ako pumunta , mahal ko pa buhay ko noh ? " - Mike
" Kung ganun , hindi mo siya mahal " sabay naman silang napatingin saking dalawa .
" Mahal ko siya Frank , mahal na mahal ko siya " umiling naman ako sa sinabi niyang iyon .
" Kung mahal mo talaga siya , dapat una palang naitatak mo na sa isip mo na siya na ang buhay mo simula nung minahal mo ito , na kapag nawala siya sa buhay mo ay parang pinatay ka narin at dahil diyan sa sinabi mo , napatunayan kong hindi mo siya mahal " napayuko naman ito sa sinabi ko , kaya napangisi ako " Hindi nasusukat ng salitang mahal lang ang isang bagay lalo na't hindi bast-basta isang bagay iyon kundi puso pa niya , kailangan mo rin itong laging ipaalala at iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kahalaga sa'yo kapag nawala ka sa buhay niya "
" Frank is right , kaya kung ako sa'yo kumilos kilos ka na bago pa siya makapag move on ng tuluyan sa'yo at kalimutan ka nalang " napaangat kami ng tingin ni Fred ng tumayo si Mike .
" Tama kayo " sabay din kaming napangising dalawa
" Stop being immatured Mike , you grown up already , be matured "
" Hindi kasi sa lahat ng bagay ay naidadaan mo sa pagbibiro at pagpapatawa ang taong gusto mong makuha , uso rin kasing magseryoso minsan Mike , wala namang mawawala sa'yo kung gagawin mo iyon e " - Fred
Napasunod nalang kami ng tingin kay Mike ng bigla nalang itong naglakad palabas ng coffee shop , pero bago pa siya makalabas ng tuluyan ay nagsalita muli kaming dalawa ni Frank .
" Go Mike ! Fighting ! "
" Yea' FIGHTING ! WOOO ! " sabay labas ng coffee shop na tumatakbo habang nakataas pa ang kanang kamay na akala mo si Superman . Isip bata talaga -_-!
" Pasaway " rinig kong sabi ni Fread habang nakatingin parin sa papalayong kotse ni Mike " Sinabi mo pa "
JAZMINE'S POV
Alas dose na ng madaling araw pero gising parin ako , paano ba naman kasi ayaw akong bilhan ng pinya ni Sic , ubos na kasi yung stock sa drawer e , huhu gusto ko ng pinya e .
" Sic gusto ko ng pinya e , bakit ayaw mo ba akong ibili ? hindi mo na siguro ako mahal noh ? huhu sabi na e ' " tsaka ko siya tinalikuran , hindi ko kasi siya mainindihan kung bakit ayaw niya akong ibili e , nakakainis ! Huhuhu .
" Baby ... wala ng nakabukas na store sa gantong oras kaya malabo na makabili tayo nun "
" Ang sabihin mo , hindi mo na ako mahal pati ng baby mo kaya ayaw mo akong ibili , huhuhu yun lang naman gust kong kainin e , bakit ba ayaw mo saken ibigay ? " naramdaman ko naman na niyakap niya ako mula sa likran ko .
" Baby , you lnow how much I love you , at kung gusto mo ng patunay gagawin ko iyon ngayon mismo mo kung gusto mo ... " natahimik ako sa sinabi niya " Pero baby ... sana intindihin mo na wala na tayong mabibili sa gantong oras dahil tulog n ang lahat "
" Ughh ! Bakit kasi kailangan pang matulog ng lahat ng nagtitinda at mag sara ? ayiiii kaninis naman e , gusto ko talaga ng pinya Sic , gusto kong kumain ng pinya " narinig ko na tumawa si Sic kaya mabilis ko siyang hinampas sa braso " Ge tawanan mo pa'ko , kapag ako nainis sa'yo iiwan kita dito at lalabas ako mag-isa at ako na ang hahanap ng pinya sa labas tss " bigla naman siyang natahimik , buti naman at natakot siya gagawin ko talaga iyon noh ? hmp !
" Baby Im sorry , kung may mapagbibilhan talaga ako bakit hindi , diba ? " hindi ko siya inimik , naramdaman kong gumalaw ang kama at maya't maya ay naramdaman ko na ang baba nito na nakapatong sa balikat ko " Pero baka sakali baby , gusto mo ng pineaplle juice ? pinya rin naman iyon hindi ba ? " Juice ? juice lang ? pero gusto ko kasi prutas e ... pero wala naman akong choice , gusto ko talagang kumain e .
" Fine ! Pero ayoko nung nakatimpla , gusto ko yung hindi pa , pagpapapak ko nalang " nakanguso kong sabi , huhuhu " Pero promise me bukas Sic , pupunuin mo ng delmonte pineapple ang lahat ng kabinet dito sa bahay , kung hindi magwawala ako " lalo naman nitong isiniksik ang ulo nito sa leeg ko at doon tumawa " Naririnig kita , wag mo akong tawanan , seryoso ako " lalo naman siyang tumawa kaya hinampas ko na yung ulo niya na nasa leeg ko .
" Hahahaha , I love you baby "
" I love you-hin mo mukha mo , nasaan na yung powder juice ko ? " hinalikan muna ako nito sa buhok bago ito tumayo at lumabas ng kwarto . Gusto kong matawa sa mga pinanggagagawa ko this past few months hanggang ngayon , para akong isip bata , konting pagkakamali lang nakikita ko , konting bagay lang kinaiinisan ko , ganito ba talaga kapag buntis ? bumabalik sa pagkabata ? tapos mapansin pa ? inisin ? hayy !
Ganito rin kaya si Mommy kay Daddy ? hihi naiisip ko palang iyon kinikilig na ako sa kanila , hihi mey ghed hihi .
" Heto na baby " napalingon naman ako kay Sic na nakangiti habang inaabot ang ibinibigay nitong powder juice " Salamat " at agad ko itong binuksan " Heto tubig baka sakaling kailanganin mo " tumango nalang ako at hindi na siya pinansin pa .
Hihi , pineapple powder ! Here I come !
THE END
EDITING ...