Kabanata Eleven

15.8K 208 0
                                    

Kabanata Eleven

Blanche's POV

Nag-aayos ako ngayon ng sarili dahil ngayon ang araw na pupunta kami ni Sic sa mansion ni Mommy Cynthia . Kyaaa ! Makakakita narin ako sa wakas sa personal ng iba't ibang bulaklak . Wala kasi ni isang bulaklak sa amin noon kahit sa maliit na vase lang wala e . Atsaka sa online lang rin ako nakakakita ng iba't ibang klase ng bulaklak . How pity me right ? pero naintindihan ko naman kung bakit wala at bawal ang bulaklak sa mansion namen nun .

30 minutes ay nandoon na kami agad , ang lapit lang pala ng mansion ni Mommy Cynthia , pwedeng lakarin ^_^ .

" Buti napasyal kayo rito ? " tanong ni Mommy habang nakikipagbeso ako sa kanya . Ako na sana sasagot ang kaso naunahan na ako ni Sic " Jazmine want's to visit your garden , nasabi ko kasi na marami kang bulaklak sa hardin mo at nasabi ko rin sa kanya na mahilig ka sa bulaklak at ganun rin pala ito kaya nag-aya dito para makita ang mga alaga mo Mommy " bahagya naman akong nalumo sa sinabi niya . Ako pa magiging masama niyan dito e . Nakita kong nalungkot si Mommy ng dahil doon , ikaw ba naman malaman na hindi pala ikaw ang dinadalaw kundi ang mga bulaklak lang ? sino hindi masasaktan dun noh ? .

" Ah Mommy , siyempre pati po kayo dinadalaw namin ni Sic , diba Sic ? " sabay angat ko sa kanya ng tingin pagkatapos ko siyang sikuhin ng mahina sa tagiliran . Kunot noo naman niya akong tinignan kaya pinagsalubong ko ang dalawa kong kilay . Tss ! Lalaking ito talaga napaka selfish pagdating sa nararamdaman ng ibang tao . Hindi ba niya alam na nasaktan ang Mommy niya ng dahil sa sinabi niya ? " Tss " sabay irap saken " Ah oo nga po Mommy , pati po pala kayo dinadalaw ni Jazmine " nilingon ko si Mommy na ngayon ay nakangiti na saming dalawa . It's pure smile na , hindi kagaya kanina na napipilitan lamang siya .

" Kung ganun , I will take you a tour to my garden Iha " napatalon naman ako ng dahil sa tuwa at niyakap agad si Mommy " Thank you Mommy " at hinagkan ko pa ito sa kanyang pisngi " You're always welcome my dear , let's go ? " mabilis naman akong kumawala sa pagkakayakap kay Mommy Cynth at maraming beses na tumango na ikinangiti nito at nauna ng maglakad . Maglalakad narin sana ako para sundan si Mommy ng bigla akong higitin pabalik ni Sic .

" Aray naman ! Bakit ba ? " salubong na kilay na tanong ko , may itinaas siya kaya napakamot nalang ako sa gilid ng ulo ko at nahihiyang kinuha ang face mask sa kanya " Hehe , sarreh nakalimutan ko , sige babay Sic " at tumakbo na ako patungo kay Mommy Cynthia .

-

" Ang tawag naman sa isang bulaklak na ito ay Gloxinia ang meaning naman nito ay Love at first sight " napatango ako , may hinawakan naman akong kulay orange na bulaklak na may similarities sa gumamela " Ano naman po ito Mommy ? " tumingin naman si Mommy sa hawak kong bulaklak " Ah , yan naman ang Ambrosia , meaning  ay Mutual Love " namangha ako ng dahil doon . Ang daming iba't ibang makukulay na bulaklak ni Mommy sa hardin niya , at tama si Sic na binigyan lahat ni Mommy Cynth ang kanyang mga bulaklak ng mga meaning . Tulad nalang nung una niyang ipinakita saken na Orchids na kulay yellow na may dots na maroon , meaning naman ng orchids ay Love and Magnificence atsaka yung kulay pink na Peony na ang meaning naman ay Happy Life , happy marriage . Hihi , kung maglagay kaya ako ng Peony sa bahay noh ? magiging happy kaya ang marriage namen ni Sic ? , pero malabo , e hindi nga namen mahal ang isa't isa hindi ba ? . But I have small feeling na inlove na ako sa kanya , maliit lang naman , hanggang dun lang siguro iyon dahil si Mike parin ang gusto ko .

" Ito naman ang Stephanotis meaning , Happiness in marriage . You know anak , mas maganda siguro kung magtanim ka ng Stephanotis sa mansion ninyo . Para maging happy lang kayong dalawa ni Frank " - Mommy Cynthia

" Gusto ko po sana Mommy ang kaso bawal naman po saken ang bulaklak e " nakuha naman agad ni Mommy ang gusto kong sabihin . Actually pwede naman talaga akong magtanim , nasa labas naman iyon at wala sa loob ang akin lang , hindi naman talaga kami masaya ni Sic sa naging marriage naming dalawa , kaya ano pang silbi ng pagtatanim ko ng bulaklak na iyon sa hardin niya right ? .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon