KABANATA EIGHTEEN
JAZMINE'S POV
Napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok mula sa labas . Bakit hindi pinagbubuksan ng Tres Marias ang kumakatok ? o baka wala sila , tahimik ang loob ng condo nila e .
" Sandali ... " mahina sabi ko , nanglalambot kasi ako e . Dahan-dahan naman akong naglakad patungo doon dahil nahihilo ako , isa sa mga sintomas ng morning sickness ko . Ughh ! Lumingon muna ako saglit sa wall clock , alas nuwebe na pala ng umaga . Ang aga namang umalis ng Tres Marias ? saan naman kaya pumunta ang mga iyon ? .
Pagkabukas ko ng pinto ay ang unang nakita ko ay isang pares ng sapatos dahil nakayuko ako ng pagbuksan ito , mukhang lalaki ang nagmamay-ari ng pares ng paa na ito . Pag-angat ko ng tingin , bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko kagabi at kusa nalang tumulo ang mga luha ko . Anong ginagawa niya dito ? .
" JAZMINE " wala akong nagawa ng bigla niya nalang akong yakapin , ramdam ko sa mga higpit ng yakap nito ang pagkamiss , pero hindi ko iyon pinansin dahil mas umaangat ang nararamdaman kong inis at galit sa kanya " Thank God at ayos ka lang " sinakop naman nito ang buong mukha gamit ng dalawang palad nito at tinitigan ako sa mukha " Akala ko may nangyare nang masama sa'yo , pinag-alala mo ako baby "
" Saken ka ba talaga nag-aalala o ang siyang nasa tiyan ko ? " para naman itong nabigla sa sinabing kong iyon , maging ako rin ay nabigla , kusa nalang iyon nasabi ng bibig ko na para bang may nagtutulak saken na iyon ang sabihin ko " Hindi mo naman ako mahal hindi ba ? paano ka mag-aalala saken ? , hindi ba simula palang ay ayaw mo na saken dahil sinaktan ko ang kaibigan mo ? , kaya huwag mo akong gawing tanga para maniwala sa'yo na nag-aalala ka saken "
" Ano bang sinasabi mo Jazmine ? matagal ko na iyong kinalimutan , nagbabago naman ako hindi ba ? "
" Nagbago ? nasaan ang pagbabago doon ? na lokohin ako ? ha ? yun ba ang gusto mong sabihin ha ?! " hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko na humagulgol na sa iyak , lalapitan pa sana ako nito para yakapin ngunit lumayo na ako sa kanya " Sana sinabi mo man lang saken na hindi mo naman talaga ako gusto , para hindi na ako nahulog sa'yo at masaktan pa . Alam mo bang sa lahat ng mahirap at masakit na pinagdaraanan ko noon ay ito ang pinaka masakit ha ? . Ang makita kang may kasiping na iba maliban saken ! at ang pinalala pa noon ay kaibigan ko pa , bakit kaibigan ko pa Francis ? bakit ? "
" Anong sinasabi mo ? hindi kita maintindihan " naguguluhang tanong nito . Umiling naman ako .
" Huwag ka ng magmaang-maangan pa Francis , kitang kita mismo ng dalawang mata ko na pareho kayong hubo't hubad sa loob ng kwarto mo " bigla namang nanlaki ang mga mata nito na nagpapahiwatig na para bang naisip niya na kung ano ang sinasabi ko .
" Shit ! " lalo akong umatras ng bigla siyang humakbang palapit saken " Please Jazmine , let me explain ! Walang nangyare samen ng kaibigan mo "
" Huwag mo na akong gawing tanga Francis , ako na mismo ang nakakita , ako ... " hindi na ako nakaatras pa ng bigla nanaman siyang lumapit saken at hinawakan ang magkabilang kamay ko at tumitig sa mga mata ko , umiwas naman ako ng tingin sa kanya . Please Francis , huwag mo na akong pahiram , please ...
" Maniwala ka saken baby , walang nangyare saming dalawa , please hayaan mo muna akong magpaliwanag sa'yo ... Please Baby , please " umiling iling ako .
" Kapag sinabi niyang ayaw niyang makinig sa'yo ayaw niya ! Kaya bitawan mo na ang kaibigan ko ! " napalingon naman ako sa mga taong nasa likod ni Francis habang nakapameywang at masasama ang tingin ang ipinupukaw nila sa kanya .
" Please kailangan ko lang magpaliwanag sa kanya , walang nangyare samen ng kaibigan niya . Maniwala kayo saken please "
" Meron man o wala , wala akong pakialam ! Kaya bitawan mo na ang kaibigan ko ! " - Angela