Kabanata Four

16.6K 259 0
                                    

Kabanata Four

Jazmine's POV

   Nasa isang mall ako ngayon , tumitingin tingin lang sa mga nadadaanan . Kung kasama ko lang siguro si Jezca ngayon , baka sinusugod niya na ang bawat madaanan naming botique ngayon . Shapingera ang babang iyon e , hindi tulad naming tatlo na hanggang window shopping lang kami at kapag may kailangan lang , doon lang kami bumibili ng mga damit namen . Napahinto ako sa tapat ng UniSilver at naalala ko na dito ako unang binilhan ng kwintas na may pendant na sing-sing ni Mike . Napahawak ako doon . Suot-suot ko kasi iyon , kahit na wala na kami ayoko paring hubarin ito dahil ito ang tanda na mahal na mahal ko talaga si Mike .

Napaibaba ako ng tingin ng may naramdaman akong kumakalabit sa hita ko . May isang batang babae na nakatingala saken " Ate , can you please help me to find my Mommy ? " napanganga ako sa narinig ko dun sa bata . Tuwid mag english ? pero ang bata pa niya para makapagsalita ng ganun . Pero ano daw ? . Mabilis na yumuko ako upang magkapantay kami .

" Yes Sure baby " sabay ngiti ko , nabigla ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit " Yehey ! Thank you Very much Ate Ganda " napatawa ako ng mahina.

" I'm Ate Blanche by the way " kumawala naman ito saken sa pagkakayakap " Ako naman po si Jean , Jean Bautista po " pagkasabi niyang iyon ay napaisip ako . Bautista ? how come na pamilyar iyon ? Baka naman ... tinitigan ko ang bata upang kumpirmahin kung tama nga ang naiisip ko . May hawig nga ito , sa labi at lalo na sa mga mata " Who's your Father , Baby ? "

" Alfredo Bautista po " nanlaki ang mga mata ko at napangiti . Sabi na e ! Tama ako ! Anak nga siya ni Fred ! Wala kasing duda , magkamukha silang dalawa " You know my father Ate Blanche ? " tumango ako sa naging tanong ni Jean , niyakap naman niya ako ulit " Yehey ! "

" Okay wait ... " kumawala naman ito saken " I'm going to call your father okay ? " tumango ito , kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa ko at tinignan ang contacs ko . Napahinto ako't napasapok sa noo ko ng maalala kong wala pala akong number ni Alfredo . Aish ! antanga-tanga mo Blanche ! bakit hindi mo agad naisip yun ? . " Why Ate Blanche ? there's something wrong po ba ? " napababa ako ng tingin ng biglang magtanong si Jean . Tumango naman ako .

" I forgot kasi e , wala pala akong number ng Daddy mo " nakita ko itong napasimangot at konting push nalang ay iiyak na ito . Mabilis ko naman siyang hinawakan sa magkabilang braso " Wag na sad baby Jean , gagawa ng paraan si Ate okay ? " tumango ito ng nakanguso . Kumunot ang noo ko at hindi ko alam ang gagawin ko . Paano na ito ? " Alam ko na ! " mabilis ko namang diniall ang number nito . Sana naman sagutin niya na ngayon . Pero nakaramdam lang ako ng inis ng hindi nito sagutin .

" What's wrong Ate Blanche ? "

" Your Kuya Francis didnt answer my call , why he is always like this to me ? baka nakakalimutan niyang asawa niya ako ? " inis na sabi ko ng hindi ito nililingon .

" Tito Francis ? your the wife of Tito Francis ? " naalis ko ang tingin sa cellphone ko at ibinaling iyon kay Jean . Tito Francis ? edi dapat pala Tita Blanche tawag nito saken ?

" Yes baby Jean , he's my husband " napaurong ako ng bahagya ng bigla siyang nagtititili . Err ? ilang taon na ba itong batang ito ? 5 ? pero mukha palang siyang 3 years old dahil sa height niya . O baka naman 5 na talaga siya at maliit lang talaga ? Imposible naman dahil malaking tao si Alfredo . O baka naman nagmana sa Mommy nito , maliit ? " How old are you Baby Jean ? " huminto naman ito sa pagtili at sinagot ako .

" I'm only three years old Tita Blanche , finally I met Tito Frank's Wife " sabay yakap muli saken nito . Ako naman napapanganga . What in a world ? really ? three years old palang itong batang ito ? ako ba'y pinaglololoko nito ? .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon