Kabanata Ten

19.6K 291 1
                                    

Kabanata Ten

Blanche's POV

Naalimpungatan ako dahil sa naamoy kong mabango , pero nanatili paring nakasara ang mga mata ko . Hindi ko naman ito pabango , lalong-lalo namang hindi ito ang perfume o ang amoy na unan na pinag-unan ko kagabi , o baka naman ang couch ang naamoy ko ? siguro nga . Mabilis na napamulat ako ng may naramdaman akong dumagan saken . Pagtingin ko ay kulay puti na damit ang nakita ko , anong--- unti-unti ko namang iniangatan ang taong nagmamay-ari nito . Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino iyon . Paanong--- inilibot ko ang tingin ko sa paligid , at wala ako sa kama kundi na sa loob ako ng kwarto . Paano ako napunta dito ? .

Tatayo na sana ako , pero napabalik lang ako sa pagkakahiga sa braso nito dahil may nakadagan pala saken . Ang braso at ang paa ni Sic . Ughh , ang bigat bigat ni Sic TT^TT . Anong gagawin ko nito ? paano ako aalis ? . At-at bakit pala nakayakap ang lechugas na ito saken ? .

" Uy Sic , ang bigat mo " sabi ko habang tinatapik ang pisngi nito , tatapikin ko sana siyang muli ng mapatingin ako sa labi nito na ikinalunok ko agad . Ano ba yan ! Bakit kasi napakaliit at pula ng labi ni Sic ? nakakaagaw tuloy ng pansin >"< .

" Hmmm " napatili ako ng bigla na lamang ako nitong yakapin papalapit sa kanya , kaya ang kinalabasan ay naging ka face to face ko na ang dibdib nito at hindi ko sadyang napahawak ang dalawa kong kamay sa may tiyan nito . Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha ko ng maramdaman ang matigas nitong tiyan . Tae ! Sabi na e , may abs si Lechugas >'< . Pero infairness ang bango talaga ni Sic . Hmmm... smells good haha XD ay loka ! Pero teka , gusto ko ng tumayo dahil nawiwiwi na'ko >_< .

" O-oy Sic " pinilit kong luwagin ang pagkakayakap nito saken , at thank God dahil lumuwag naman iyon kahit konti " Oy Sic gising ! Uy uy Uy ! " waaaa~ bakit ba napakatulog mantika ni Sic ? naiihi na'ko e >"< " Oy Sic , gising na ! Oy ! Naiihi na'ko e >//////< " bahala na si Darna , nawiwiwi na talaga ako e . Nakaramdam ako ng saya ng makita kong namulat na ang isa nitong mata , dahan-dahan naman nitong inalis ang kamay at paa nito na nakadagan saken " Tulog mantika " sabay hampas ko sa tiyan niya , tumayo at tumakbo patungong banyo . Nang maisara ko ang pinto ng cr ay napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko na ang lakas ng tibok . Grabe ! May sakit ba ako sa puso at ganito nalang kung bumilis ng tibok ang puso ko ? , makapagpatingin nga kay Doc Samuel , baka mamamatay nalang ako hindi ko pa alam .

-

Nasa isang restaurant kami ngayong lahat at kumakain , ang ganda dito dahil tabi ito ng dagat . Grabe , parang ayoko ng umuwi samen ah ? magpaiwan nalang kaya ako ? papayag naman siguro si Sic . Mas sasaya pa nga siguro siya kung ganun .

" My Heart , maya ka na kaya magbasa . Kumain ka na muna , ang aga-aga libro nanaman yang hawak mo e " napatingin ako sa gawi ni Mike at ni Abigail na may hawak ngang libro " Wag mo akong istorbohin bakulaw , kumain ka nalang diyan " narinig ko namang napatawa ang lahat , pati nga ako natawa e . Tawagin ba naman kasing bakulaw si Mike ? hahahah . Bago yun ah ? " My Heart naman e , kumain kana muna " parang ngawang sabi ni Mike

" Eat " napaangat naman ako ng tingin kay Sic na tahimik lang na kumakain , tumango lang ako sa kanya at kumain " Ang sarap ng pagkain noh ? lalo na ang lugar " sabi ko habang ngumunguya .

" Sinabi mo pa Jazmine , ang galing naman ng may-ari ng restaurant na ito na pumili ng lugar ng pagtatayuan nitong kainan niya , I salute him/her " at umakto pa ito na sumasaludo " Tama na muna ang daldalan , kumain ka na muna . Ubusin mo ang lahat ng iyan ha ? " napatingin ako sa pagkain ni Vera , kusang nalaglag yata ang eye balls ko at ang panga ko ng makita kung gaano kabundok ang pagkain ni Vera . Seriously , papaubos lahat niya iyan kay Vera ? kaya niya ? " Sige ba , basta hati tayo , ang dami niyan e " nakahinga naman ako ng malalim doon , kaloka , akala ko kaya na ni Vera ubusin ang ganung karaming pagkain e " Oo naman " humarap naman si Fred sa katabi nitong si Jean na isa ring tahimik na kumakain " Kain lang ng kain anak " napangiti sa nakikita ko kay Alfredo . He's good for being a father , napakamaasikaso niya sa pamilya niya . Ako kaya kailan ako magkakapamilya tulad ng sa kanya ? .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon