Kabanata Three

19.4K 272 0
                                    

Kabanata Three

Kasalukuyan akong kumakain ngayon ng sphagetti sa sala , dala ito ng Tres Marias . Sabi ko kasi sa kanila , kapag bumalik sila dito ay magdala sila ng paborito ko . Kaya ayun binilhan nila ako . Kaya mahal na mahal ko ang Tres Marias e hihi .

" So , anong balita ? naibigay mona ba ang V card mo ? " nabilaukan ako sa naging biglaang tanong ni Angela . Mabilis naman akong kinuhaan ng tubig ni Vinessa na agad ko namang kinuha sa kanya at ininom .

" Anong klase namang tanong yan Angela ? nakakadiri ka ! " nandidiring sabi ni Jezca . Tumaas naman ang kilay ni Angela .

" Anong nakakadiri sa tanong ko ? mag-asawa naman sila at tayo mararanasan din naten yan . Kaya anong nakakadiri dun ? " nakita kong napangiwi yung dalawa at ganun din ako . Kailangan bang pag-usapan pa talaga yun ? " Usapang malandi na'to ! " humarap ito saken at nangalumbaba sa harapan ko " Ano ? naibigay mona ba ? " kurap-kurap na sabi nito . Napaurong ako sa kinauupuan ko ng ganun din ang ginawa nung dalawa sa harapan ko . Akala ko ba hindi sila interesado dahil nakakadiri ? Hay talaga naman ! Tres Marias talaga !

Umiling ako " Hindi pa " pagkasabi ko non ay napatakip ako sa tenga ko dahil bigla na lamang silang sumigaw ng napakalakas 

" ANO ?! "

" TRES MARIAS ! " inis na saway ko at napatayo sa kinauupuan ko . Nagsitakipan naman sila ng bibig . Kinakalma ko ang sarili ko na naupo sa kinauupuan ko " Mahina lang okay ? lalo kana Angela , wala ka sa labas o sa bahay niyo man , nasa loob kayo ng mansion ng asawa ko kaya please lang walang maingay " tumango silang lahat " Now speak ... softly "

" Anong wala pa ? hindi kayo nag honeymoon ? " - Vinessa

" Oo nga , hindi ba yun ang ginagawa pagtapos ng kasal ? " - Jezca

" Tama ! Dapat butas kana ngayon e ! " - Angela

Napangiwi ako sa sinabi ni Angela pero hinayaan ko nalang . Iniling ko ang ulo ko " Parang hindi niyo naman alam ang sitwasyon ko ngayon . Hindi ako mahal nung tao , paano kami magha-honeymoon ? . Mag-isip nga kayo , pinapa-iral niyo nanaman ang pagkautak biya niyo e " napa ahh naman sila habang napapatango na ikinailing ko . Buti tanggap nila na utak biya sila -_- .

" Kung sabagay . Sayang naman ! " - Jezca

" Hindi ko rin masisisi si Francis " - Vinessa

" Pero kung gusto ni Francis ? ibibigay mo ba ang V card mo ? " - Angela , natahimik ako pero agad din akong nagsalita

" Hindi , gaya rin niya hindi ko siya gusto , kaya hindi rin ako papayag na makipaghoneymoon sa kanya "

" Bakit hindi ? asawa mo naman siya " - Angela

" Ayy ! bakit ba tayo napunta sa usapan na ganyan ? change topic na nga ! Nadudumihan ang malinis kong utak sa inyo e ! " inis na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko at iniiling iling iyon .

" We ? " sabay-sabay nilang sabi . Sinamaan ko naman sila ng tingin na ikinaiwas nila ng tingin saken at kung saan-saan nagsitingin . Napabuntong hininga nalang ako't ipinagpatuloy ko nalang ulit ang pagkain ko .

Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Vinessa . Kahit na nakikisali kasi ito sa conversation naming apat , kitang-kita ko parin sa kanya na , kanina pa ito tingin ng tingin sa kanyang cellphone . Sino nanaman kaya hinihintay na magtxt o tumawag nito kaya lagi niya iyong tinitignan ?

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon