KABANATA THIRTEEN

15.8K 235 2
                                    

KABANATA THIRTEEN

Blanche's POV

Ilang lingo na ang lumipas simula nung may mangyare saming dalawa ni Sic . Nag-iba na talaga  siya , napaka-iba na ng pag-uugali niya ngayon kesa noon nung una kaming magkasamang dalawa sa iisang bahay . Pumapasok narin ito ng opisina niya , tinutupad naman niya ang pangako niya na uuwi siya ng maaga sa mansion . Ang sarap sa feeling na nagbago na si Sic . Ang sarap sa feeling na magkaroon ng asawa .

Napahinto ako sa ginagawa kong pagwawalis sa sala ng may biglang nag doorbell . Sino naman kaya ito ? hindi naman siguro si Sic ito dahil magteteks iyon saken kapag uuwi na siya ng mansion o baka naman ang mga kaibigan niya ? o baka naman mga kaibigan ko ? . Aish kesa nagtatanong ka diyan ng nagtatanong Blanche , bakit hindi mo nalang puntahan ? sabi ng side ng isip ko , sabi ko nga *pout* .

Napakunot ang noo ko ng makitang isang babae ito na kinulangan sa tela ang suot na damit . Mahal na ba talaga ang tela ngayon kaya nakukulangan sila sa pagtahi ?  grabe -_-!

" Ano pong kailangan nila ? " sabay bukas ko ng gate para harapin ito , tumaas naman ang kanyang kilay at pinasadahan ako ng tingin pababa hanggang paitaas .

" Nasaan ang amo mo ? " ako naman ang napataas ng kilay sa sinabi nito .

" Pardon ? "

" Are you deaf ? I'm asking of your boss " Aba't-- ano bang akala niya saken yaya ? tinignan ko naman ang sarili ko . Mukha na ba akong yaya sa paningin niya ? sa ayos at ganda kong ito ? ako mukhang yaya ? sapakin ko kaya ito ? .

" Excuse me , but my boss is not here , you may go now " isasara ko na sana ang gate ng harangan niya ito .

" Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa bisita ng amo mo ? baka nakakalimutan mo isa ka lang bayarin na yaya kaya dapat alam mong gumalang sa nakakataas sa'yo " tinaasan ko siya lalo ng kilay . Nakakataas ? ano siya presidente ng pilipinas para galangin ko siya ? in her dreams .

" Ano bang kailangan mo kay Boss ? wala nga siya dito " sinakyan ko nalang ang sinabi nito , boss na kung boss . Tss ! Wengya sino ba ang babaeng ito at hinahanap niya si Sic ? .

" It's none of your business , muchacha ka lang kaya wala kang dapat malaman " kumunot ang noo ko , ano ba ang sasabihin niya kay Sic na hindi ko pwedeng malaman ? asar naman e .

" Okay , edi bumalik nalang kayo bukas " isasarado ko na sana ulit ang gate ngunit naharang niya ulit ito , lalo naman niya akong pinagtaasan ng kilay .

" Hindi mo ba ako papasukin at doon nalang siya hintayin ? ganyan ba itinuro sa'yo ng mga magulang mo kapag may bisita ang amo mo ? wala kang modo " mas lalo ko ding tinaasan ang kilay ko sa kanya .

" Ha " mark the sarcasm " Ang sabi lang naman saken ni Boss ay , wag akong magpapasok ng stranger , kaya kung ako sa'yo umalis ka na at bumalik ka nalang ng maaga bukas "

" What ? stranger ? hindi mo ba ako kilala Miss ? " pinasadahan ko naman siya ng tingin paitaas hanggang baba at muli kong ibinalik ang tingin ko sa mukha niya at umiling na ikinainis naman nito kaya napangisi ako .

" Sorry Miss ha ? hindi kasi ako umiidolo sa mga nakulangan sa tela e " lalo naman akong napangisi ng makita kong inis na inis na ang itsura nito .

" Anong sabi mo ? " inis na inis na tanong nito

" I'm sorry Miss , pero walang ulitan sa bingi " nasarado ko naman ng tuluyan ang gate " BUMALIK KA NALANG BUKAS ! " sigaw ko ng nakangisi parin bago tinalikuran ang gate at muling pumasok sa loob ng mansion .

Nawala naman ang ngisi ko ng makapasok na ako sa loob . Ano kaya ang mahalagang sasabihin nung bruhang iyon kay Sic ? at sino siya ? anong kaugnayan niya kay Sic ? .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon