KABANATA FIFTEEN

16.4K 212 0
                                    

KABANATA FIFTEEN

Blanche's POV

Agad na tumakbo ako patungo kay Reca at inalalayan itong tumayo " Anong ginawa mo ? " masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya . Nakita ko nalang kasi na bigla nalang niya sinuntok si Reca e , nakita ko namang walang ginagawa yung tao sa kanya . Hindi ko alam na may ganitong side pala si Sic .

" Lumayo ka nga sa kanya " sabay hila saken . Ano bang nanagyayare sa kanya at nagkakaganito nanaman siya ? nakakatakot nanaman ang itsura niya " Bakit mo siya sinuntok Sic ? ano bang nangyare ? " hindi niya pinansin ang tingin ko at nakatingin lang ng masama kay Reca . Hinigit naman ako nito palayo sa lugar na iyon , naisip ko narin na magandang gawin din iyon para hindi na sila magkasakitan pa .

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse hanggang sa makauwi kami ng mansion . Tataas na sana ako para matulog nalang dahil parang walang balak magsalita si Sic , pero hindi nangyare iyon dahil mabilis niya akong napagilan sa kamay .

" Sic , I want to rest " nakatalikod ako sa kanya habang sinasabi iyon , humigpit naman ng kaunti ang pagkakahawak nito saken , hindi yung tipong sinasaktan niya ako . Napapikit naman ako bago ko siya hinarap at nagbuntong hininga . I saw his face sad looking at me .

" A-are you mad ? " hindi naman ako nagpaligoy-ligoy pa at tumango ako sa kanya . Hindi ko kasi siya maintindihan kung bakit niya iyon ginawa kay Reca , napakabait na tao ni Reca e . Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinagpisil-pisil iyon " I do that because I'm so worried about you , bigla ka nalang kasing nawala " bigla lang akong nawala sinaktan niya na si Reca ? unreasonable reason ! Binawi ko ang kamay ko sa kanya na ikinabigla nito .

" Umalis lang ako sinuntok mo na agad siya ? napakababaw naman yatang dahilan non Sic para saktan mo si Reca "

" Dahil siya ang unang pumasok sa utak ko ng mawala ka " nagtakha naman ako ng dahil doon , pero bakit ? bakit siya agad ang pumasok sa isip ni Sic nang mawala ako sa loob ng tokyo tokyo " Mabigat na kalaban ko si Sic sa kumpanya Jazmine at siya ang dahilan kung bakit unti-unti ng bumabagsak ang kumpanya ko ngayon " napatigil naman ako sa sinabi nito , napatitig ako sa mga mata niya ng hawakan niya ako sa magkabilang braso ko , bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala habang nakatitig din sa mga mata ko " Alam kong gagawin niya ang lahat mapabagsak lang ako ng tuluyan Jazmine , at kung maari , maari ka niyang gamitin saken upang gawing pain upang mapabagsak ako "

-

Naging palaisipan parin saken hanggang ngayon ang mga sinabi ni Sic kahapon . Ganun ba talaga kasama si Reca upang gawin niya iyon ? pero bakit sa mga araw na kasama ko siya hindi naman ganun ang nakikita ko sa kanya . O baka naman isa iyon sa plano nito kaya niya ako kinausap nung una palang kaming magkita sa park . Na ginamit niya lang ako upang mapalapit ang loob ko sa kanya at pag nangyare iyon ay gagamitin niya ako laban kay Sic . Tss ! Cowardly thing , hindi ba siya marunong lumaban ng patas ? yung walang ginagamit na ibang tao ? kaduwagan ang tawad dun , duwag siya duwag .

Pumasok na siya ngayong araw sa opisina niya , nag promise narin ako na hinding hindi na ako lalapit kay Reca at huwag muna itong kausapin .

" JAZMINE "

" JAJA "

" JAZ "

Ano nanamang ginagawa dito ng Tres Marias ? . Pinagbuksan ko naman sila agad ng pinto at isa-isa silang pumasok .

" May dala kami ng paborito mo " sabay taas ng isang paper bag ni Vinessa , napatakip naman ako agad sa ilong ko ng maamoy ko iyon . Ano namang amoy iyon ? nakakasuka " Ano yan ? " nagtakha naman sila sa naging tanong ko .

" Duh' edi yung paborito mo " sabay labas nung nasa paper bag kaya mas lalo akong napatakip sa ilong ko " Sphagetti ! Luto pa yan ni mader dear kaya paniguradong masarap ito " sabay abot saken , napalayo naman ako sa kanya na ikinatakha ng tingin nila saken .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon