Kabanata Two

26.7K 353 4
                                    

Kabanata Two

Maaga akong nagising ngayon . Dahil sabi ni Mommy , ganito raw ang ginagawa ng isang asawa . Pinagluluto ng makakain sa umagahan at ipaghahanda ng maisusuot para sa pagpasok sa kanyang opisina . Ganito rin daw kasi ang ginagawa ni Mommy noon kay Daddy kahit na may katulong sila . Iba naman ako dito , dahil dito wala silang katulong . Buti nalang at nakatulong saken ang kursong kinuha ko noong kolehiyo pa ako . Ang culinary arts . Sa gawaing bahay , maasahan mo ako . Dahil kahit mayaman ako ay nagpapaturo parin ako ng mga gawaing bahay kay Yaya madel . Yaya ko ito simula palang nung ipinanganak ako . Siya ang nagpapalit ng diaper ko , nagpapadedi saken kapag gutom ako , siya ang kumakarga saken kapag umiiyak ako at nung lumaki ako , siya lagi ang tinatakbuhan ko . Ang mga magulang ko ? minsan lang kasi sila noon kung umuwi ng bahay . Pero naintindihan ko sila , dahil ipinaliwanag naman saken ni Yaya Madel kung bakit lagi ilang wala sa bahay . Mahal na mahal ko ang pamilya ko , kaya nung sinabi nilang ipapakasal nila ako sa iba upang maiahon nila ang kumpanya na pinaghirapan nila , sumunod na lamang ako kahit labag sa buong kalooban ko . Ulit-ulit nalang ba ? hindi ko kasi makalimutan iyon . Kasi ... ng dahil doon , hiniwalayan ko ang taong mahal na mahal ko . Ang taong nagpapasaya saken kapag malungkot ako , ang taong nagtatanggol saken kapag inaapi ako .

" Breakfast is ready " sabi ko ng makita kong pababa na ng hagdan si Francis . Nakasuot na ito ng three piece suit niya na inilabas ko kanina lang . Papasok kasi ito sa opisina . Hindi ito sumagot ngunit tumungo siya sa kanyang upuan at umupo doon . Pinaghanda ko siya ng plato at ako narin ang nagsandok ng kanyang kakainin . " Anong oras kang uuwi mamaya ? para maipagluto ulit kita " tanong ko habang sinasandukan ko siya ng ulam . Ilang minuto na ang lumipas at sasabihin ko nanaman sana ang salitang Talk to myself ng bigla na lamang itong nagsalita .

" I don't know exact the time . Dahil marami akong meetings na kailangang attendan . Pagkatapos non ay pupuntahan ko pa ang mga kaibigan ko " malumanay nitong sabi habang sumasandok na ng kanin sa kutsara . Napatango nalang ako .

" Sige ... I'm going to eat nalang sa labas mamaya " napapatango kong sabi at kumain nalang rin ako . Ilang saglit lang ay natapos na kaming dalawa . Nagpahinga lang ito ng kaunti at umalis narin agad .

Kung ganito siguro ang routine ko araw-araw tatanda , mapapanis ang laway at mabibingi ako ng maaga . Napakatahimik sa loob ng mansion , wala ka pang makausap ni isa . Meron ka ngang kasama , minsan lang kung magsalita tapos lagi pang wala . Mapuntahan na nga lang si Donny .

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay lumabas ako patungong hardin at pinuntahan kung saan nakalagay ang kulungan ni Donny . Yumuko ako at sinilip ko ito " Mabangis ka daw sabi ni Sic ? mukhang hindi naman e " tumahol ito ng isang beses " Mukhang mabait ka nga e , hindi ka naman mukhang nangangagat nalang bigla . Gusto mo bang lumabas muna ? maglalakad tayo sa labas " tumahol ito ng dalawang beses " Talaga ? gusto mo ? " para akong aning-aning na kinakausap ang asong ito kahit hindi ko naman siya naintindihan " Sige .. pero kukuha muna ako ng Dog lace ha ? hinatayin mo ako " tumalikod ako at pumasok ng mansion upang kumuha ng pantali sa kanya . I know msyadong malaki si Donny para ilabas ng bahay , pero hindi naman kasi maganda na lagi nalang nasa kulungan . Kawawa naman si Donny kapag ganun .

Pansin ko na lumalayo ang lahat ng mga taong nadadaanan namen . Paano naman kasi itong si Donny tahol ng tahol . Natakot siguro ang mga iyon , akala nila kakagatin sila ni Donny . Pero hindi naman nangngagat si Donny e , nangangahol lang .

" Napakaganda ng paligid no Donny ? napakasariwa pa ng hangin " tumahol ito na ikinangiti ko . Napakatalino naman yata ng aong ito at parang naintindihan niya ang sinasabi ko , pero mas matalino ako haha , kasi naiintindihan ko ang sinasabi ni Donny wahahaha " Upo muna tayo Donny " pagkasabi ko non ay umupo ako sa isa sa mga benches na park , oo nasa isang park kami napakarami ngang tao dito e at ang mas pinakamarami ay ang mga magkasintahan . Kung single ka lang at broken hearted ka , baka tinubuan ka na ng dahon ng ampalaya dahil napaka bitter mo na .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon