Kabanata One

44.9K 491 9
                                    

Kabanata One

Jazmine Blanche's POV

Inililibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko . Ilang taon din akong tumira , humiga at kahit na ano pa sa kwartong ito . Ito rin ang unang nakasaksi ng unang pagkabigo ko sa pag-ibig . Nagmukmok , umiyak , natulala , nalungkot *sigh* mamimiss kita kwarto . Salamat sa lahat .

" Jazmine anak , nandiyan na sundo mo " mabilis na pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa pisngi ko bago sumagot kay Mommy .

" I'm coming Mommy " tumingin muna ako sa salamin upang tignan kung halata na umiyak ako . Kilala ko pa naman si Mommy , baka hindi pa man ako umaalis magdrama na iyon . Maypagka artista pa naman yun . Kinuha ko agad ang maleta ko at lalabas na sana ng kwarto ng makita ko si Dawny , ang malaking teddy bear na bigay saken ng lalaking mahal ko . Iniling ko na ang ulo ko bago pa man mamuo ang mga luha ko . " Alalahanin mo Blanche , kasal ka na . Kaya kalimutan mo na siya " pagpapaintindi ko sa sarili ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko .

Sinalubong ako ni Mommy na nasa ibaba na ng hagdanan . Kinuha naman nung kasambahay namen yung maleta ko at siya na ang nagdala paibaba . Sinulyapan ko ang isang lalaki na nakaupo at nakatalikod mula saken . Siya ang napangasawa ko . Si Francis Birrell . Kakapakasal lang namen kahapon , kaya ngayon ko lang nakuha ang mga gamit ko dito .

Hinalikan ako ni Mommy sa pisngi " Be good there baby okay ? call me if you have a problem  " tumango ako , muli naman niya akong hinalikan " I love you baby "

" I love you too Mommy " sagot ko at binigyan siya ng maikling ngiti . Iginaya naman ako papunta ni Mommy patungo sa lalaking asawa ko na ngayon .

" Francis " humarap naman ito nung tinawag siya ni Mommy , yumuko naman ako dahil alam kong masama nanaman ang ibibigay niya saking tingin . Hindi ko siya masisi , dahil ako ang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng kaibigan niya noon . " Please ! Take good care of my daughter "

" I will Mom " tipid na sagot ni Francis . ILang sandali lang ay nagpaalam na ito na aalis na kami . Tumango naman si Mommy at inihatid kami hanggang sa gate ng mansion .

Pinagbukas ako ng guwardiya namen ng pintuan kaya pumasok na ako . Binuksan ko ang bintana ng kotse at pinagmasdan ang mansion . Maraming taon din kitang nakasama mansion . Dahil ipinapanganak palang ako , ay nandito ka na . Ngayon , safe ka na at malaya paring tumayo kung saan ka ipinatayo ng mga magulang ko at wala ng gigiba sa'yo kahit kelan .

" Bye Mommy ! " paalam ko kay Mommy at kumaway nung magsimula ng umandar ang kotse ni Francis .

Dalawang oras din ang naging biyahe namen bago nakarating sa mansion 'niya' . Niya , dahil sa kanya lamang ito . Hindi pinagawa ng magulang niya , kundi sariling sikap niya .

" Arf! Arf! " napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng may bigla na lamang tumahol . Lumingon ako kung saan nanggaling ang tunog at doon , may nakita akong isang kulungan at nandoon yung puting aso na kamukha ni scooby doo . Nakakatakot siya dahil napakalaki niya , sino kaya ang nagpapakain sa kanya ? . Hindi ba ito nagsasagpang ? .

" Don't get near him " naiurong ko ang kamay ko sa paglapit sa kulungan dahil sa sinabi niya . " He's bitting " napatango nalang ako at titigan na lamang iyon .

" Anong pangalan niya ? " tanong ko . Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas , walang sumagot kaya nilingon ko ito , napanguso ako ng wala akong nakitang tao sa likuran ko " Talk to yourself Blanche " sabi ko sa sarili ko at muling ibinalik ang tingin sa aso . " Simula ngayon , ikaw na si ... hmmm... Do...nny ? donny ! Oo , ikaw na si Donny ngayon okay ? .. Yiee ! "

" Arf! Arf ! "

" I know maganda , kaya quiet ka lang diyan okay ? " para akong tangang kinakausap si Donny dito -_- . " Bye Donny ! " kinawayan ko pa ito bago siya tinalikuran ., Rinig ko na tumahol pa siya kaya binalingan ko ulit ito at kinawayan ulit bago tuluyang pumasok mula sa loob .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon