KABANATA SIXTEEN

14.3K 198 0
                                    

KABANATA SIXTEEN

JAZMINE'S POV

Nasa kusina ako ngayon at naghahanap ng pwedeng iluto sa loob ng ref ng biglang may mag doorbell kaya tinigil ko muna ang ginagawa ko at pinagbuksan ito . Napangiti naman ako ng makilala ito , ngunit may halong hiya . Naaalala ko nanaman kasi yung unang naging pagkikita naming dalawa .

" Hi Rea , halika pasok " ngumiti naman saken ito , nilakihan ko naman ang pagbubukas ko sa pinto ng gate upang makapasok ito . Nang makapasok na siya ay isinara ko rin agad ang pinto .

" Where's Francis ? " - Reagan

" Ahh' maagang pumasok sa opisina Rea " napahinto naman ako sa paglalakad ng huminto din ito papasok ng mansion . Napalunok ako ng makita ang ngiti nito , ngiti na may kahulugan , kahulugang hindi mo gugustuhin o baka ako lang nagbibigay ng malisya nun ? ay ewan !

" Good " at tuluyan na itong pumasok sa loob ng mansion . Good ? may good ba dun ? mas gugustuhin ko pa ngang nandito si Sic e . Pumasok nalang rin ako sa loob .

" How's being wife of Francis Birrell ? is he good to you ? " paninimula ng pag-uusap naming dalawa ni Reagan . Ngumiti naman sa kanya at tumango " Oh' thats good ! Akala ko magiging wild siya sa'yo since fixed marriage ang kasal ninyo " nginitian ko nalang siya ng pilit , sana wag niyang mahalata iyon .

Ganun naman kasi noong una e , pero hindi naman siya masyadong wild katulad ng pagsisimula ni Fred at Vera . Ewan ko nga kung bakit bigla nalang bumait yun e , bigla nalang ... nakakapagtaka na nga e , pero hayaan mo na yun , past is past never been discuss .

" By the way , gusto mong sumama saken sa isang bar ? " Bar ? pwede ba dun ang buntis ? pero hindi rin ako umiinom ng alak e " Hindi ako umiinom e , thank you nalang " pagtanggi ko .

" Aww darling sumama ka na , promise hindi kita paiinumin ng alak , juice lang " merong juice sa bar ? kung sabagay , baka pwede naman ako hindi ba ? juice lang naman ang iinumin ko doon at hindi alak e , hindi naman siguro makakasama iyon sa baby ko . Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango , ngumiti naman ito ng malapad .

" Pero pwede muna akong magpaalam kay Sic ? " baka kasi mag-alala yun e , mag-aalala nga ba ? . Siguro mag-aalala yun pero hindi saken , kundi sa anak niya .

" It's up on you , atsaka maaga pa naman . I will fetch you here maybe 7 pm " 7 pm ? nandito na si Sic nun ah ? baka hindi ako payagan nun . Napasapo ako ng ulo ko ng maalala ko ang sinabi ko , oo nga pala , kung magpaalam ako sa kanya ngayon baka hindi rin niya ako payagan , ay shongaks !

" Pero baka hindi ako payagan ni Francis e , alanganin kasi yung oras " kahit gusto kong pumunta , e baka naman magalit si Sic kaya wag nalang . Mas gugustuhin ko nalang maburo sa loob ng mansion kakapanuod ng tv , kesa sa magalit saken si Sic , nakakatakot kaya si Sic kapag galit .

" Don't worry , ako na ang bahala sa'yo o kaya gusto mo ayain ko rin siya doon ? I know hindi iyon tatanggi dahil minsan narin niyang naging tambayan ang bar " naging tambayan ang bar ? kelan yun ? ah baka naman yung sinasabi niya noong hindi pa kami kasal .

" Sige , mukhang maganda nga iyon " tumango naman ito at ngumiti kaya nginitian ko nalang rin siya pabalik . Hindi na siguro magiging delikado saken ang pagpunta sa bar na iyon mamaya , tutal nandoon naman si Sic para protektahan at bantayan ako e .

-

Nakabihis na ako ngayon na pang-alis 6:30 na e , pero ang pinagtatakha ko lang ay kung bakit wala pa si Sic , dapat kanina pa nandito yun e , o baka naman nauna na siya sa bar at doon nalang niya ako hihintayin .

Lumipas pa ang kalahating minuto ay may narinig na akong busina mula sa labas , nandito na si Reaga para sunduin ako . Good thing na sinundo niya ako dahil hindi ko alam kung saang bar ang pupuntahan namin ngayong gabi .

A Cassanova's Wife ( Completed ) Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon