CHAPTER 1

17 2 9
                                    

"This is the Nakseongdae Park. People come here to relax, to feel good music while playing guitar, some celebrate with their friends or to just eat!" I cheerfully said to my clients as I give them my sweetest smile.

Nasa last itinerary na kami ng travel trip ko today. Medyo haggard na nga pero sanay na rin naman ako. Haggard na rin naman na ang mga clients ko haha. Bawi-bawian lang.

"Wow! that's so amazing!" turo ng isang limang taong gulang na batang babae sa dancing fountain sa gitna ng park. "can I swim there?" tanong nito nang my excitement.

"Aww, I'm sorry baby but taking bath or playing there is not allowed." pagnguso ko sa kanya at yumuko sa level niya.

"But I want to try it!"  pagpupumilit nito.

Natawa lang ang mga magulang niya at tumingin sa akin ng 'sorry-for-our-child-look pero mapilit ang bata. Mabilis nitong inalis ang kamay ng nanay niya mula sa balikat nito saka kumaripas ng takbo patungo sa fountain. Hindi ko agad namalayan ang balak niyang gawin kaya hindi ko siya nahabol para pigilan ganon din ang magulang niya. Nataranta na ako dahil mabilis siyang tumakbo at akmang tatalon na sa fountain pero laking salamat ko nang may lalaking humarang sa kanya at pumigil sa pagligo mula sa fountain. Kinuha ko sa kanya ang bata at ibinalik sa kanyang mga magulang.

"I told you not to do so, baby." sermon ko sa kanya. Tumawa lang ito at nagpakarga sa tatay.

Binalikan ko ang lalaki. Hindi siya katangkaran pero malago ang kanyang buhok na tumatakpan sa kanyang tenga. Moreno at mukha rin siya Asian. May matangos na ilong at saktong kapal ng kilay. Hindi masyadong manipis at hindi rin gaanong makapal. Nakalislis hanggang siko ang kanyang long sleeve at may nakasabit na bag sa kanyang balikat. Parang kagagaling niya lang sa opisina at pumunta rito para kumain at mamahinga.

Bakit parang pamilyar yun?

"Thank very much, Sir." ngumiti at tumango ako sa kanya.

"You're welcome, Miss." sagot nito sa akin gamit ang kanyang mahinahon at baritonong boses. Ngumiti ito bago muling bumalik sa bench na kanyang kinaroroonan kanina at itinuloy ang pagkain.

Bumalik naman ako sa mag-asawa para magpaalam na rin sa kanila.

"We're so sorry about that Maam."  nakangiting saad ng ginang.

"No, that's nothing. Don't worry."I assured them." I just wanna say thank you for our trip for today and I hope we could see each other again." And I gave them my smile of gratitude.

"So are you going home alone tonight?" tanong niya.

Napangiti na lang ako.

"Yap, I'm already used to it. It is my nature of work hehe."

"So when are you getting married?" usisa pa niya.

Ang tsismosa naman ng chinese na ito. Alam ko namang lumpia lang ang habol niyan. Walang lumpia sa kasalan!

Napatigil ako saglit sa tanong niya at napaisip. Paano niya nalaman? Sa kadaldalan ko kasi kanina ay napansin niya ang engagement ring sa daliri ko kaya nagtanong siya at sinabi kong two years na akong soon to be wife.

"Ahm-ah only time can tell wahaha." napatapik ako sa hangin at kunwari ay humalakhak na lang. Di ko rin naman kasi alam kung kailan.

Pero ang talagang inaalala ko ay kung ano na nga ba ang status naming dalawa ngayon. Madalang na lang kaming magkita at sa text, tawag at chat na lang kami magkausap na kung minsan ay tipid pa siya kung magreply o di naman kaya ay wala ni isa. Niloloko na kaya ako ng Koreanong yun? Kahit dito ba marami ring manloloko? Akala ko sa Pilipinas lang e.

ONE THOUSAND PAPER CRANESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon