CHAPTER 11

14 2 9
                                    

Monday today at inaya ko si Berting na samahan ako sa doktor ko upang magpacheck up. Casual lang kaming nag-agahan bago umalis ng bahay. Sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayon dahil sa posibleng maging resulta ng check up na ito. Parang napansin ito ni Berto dahil hindi ako mapakali at tahimik lang sa loob ng sasakyan.

Malamig na pawis ang bumutil sa aking noo. May aircon naman ngunit sadyang hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Pang -anim pa kami sa pila kaya naghintay kami sa may lobby. Narinig naman ang pinagkakaabalahan ng mga kasabay kong nagpapa check-up. May mga para sa consultation lang, ang iba naman ay for scheduled operations. Tumindig ang aking balahibo nang marinig ko ang tungkol sa iperasyon. Ayoko at hinihiling ko na sana ay 'wag na akong umabot sa puntong kailangan ko ng operasyon para sa mga matang ito. Naramdaman ko naman na himigpit ang hawak niya sa kamay kung nakadaop sa kanyang palad. Marahil ay alam niyang nababagabag ako.

"Just relax, everything will be alright." he tried to calm me.

Bagamat hindi ko siya makita ay lumingon ako kung nasaan siya at saka nagbigay ng ngiti. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ang receptionist at tinawag ang pangalan ko. Kabado akong tumayo at mahigpit na hinawakan kamay niya.
Sa loob ay binati ako ng doktor at kinumusta ang mga karanasan ko patungkol sa aking paningin. Buong tapat ko itong sinagot na nahihirapan akong mag-adjust sa aking kapaligiran. Pinaupo niya ako malapit sa kanya at agad in.examine.

Una niyang ginawa ay ang pag-flashlight sa mga mata ko.

"Have you been worried the passed fews days?" usisa ng doktor.

"Not at all, Doc." I confidently answered.

"Were you happy?" sunod niya.

Napangiti ako.

"I hope so heheh."

Natapos niyang pinailawan ang mga ito at sunod na ginawa ko ay pinaupo ako sa harap ng opthalmoscope. Iginiya niya ang mukha ko at dahan-dahan ipinatong ang baba ko sa chin piece. Doon niya ito masusing sinuri at ginamitan ng iba't-ibang lenses.

"Do you see a light?" tanong ng doktor na siyang nagpakaba sa akin.

Nasaan? Nasaan ang liwanag na tinutukoy niya? Ayoko pang sumama.

"No doc, I can't see anything."

"Okay, let us try other lenses...keep still." utas niya.

Dinig ko naman ang tunog sa bawat maniobra niya ng aparato. Tila sinusuri ang kasuluk-sulukan ng mata ko ngunit wala akong makita kahit na ano kundi walang hanggang kadiliman.

Brown out ba dok?

Natapos ang pagsusuri at narinig ko nang tumayo ang doktor na tila ba may kinuha sa isang cabinet saka bumalik sa akin.

"Okay, your examination is done. I'm gonna call you for the test results."  masiglang saad ng doktor.

"Thanks doc, we're hoping for a good result." ngiti ko sa kanya at naglahad ng kamay.

"So do I,"  sagot naman niya at kinuha ang kamay ko.
"my only advice is avoid anything or anybody that stresses you." dagdag pa nito.

Inalalayan ako ni Berto sa pagtayo hanggang sa paglabas ng clinic.

"Uy Berts, libre mo naman ako ng ice cream oh." I pouted my lips as I swing our intertwined hands.

"Ayoko nga, tabachoy ka na e." tanggi nito.

Kuripot naman neto.

Pinisil ko ang kamay niya kaya namilipit ito sa sakit.

ONE THOUSAND PAPER CRANESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon