Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na tulog kaya idinilat ko ang aking mga mata at ng tanging nakita ko ay madilim. Ngunit may kung anong kakaiba sa higaan ko ah. Masikip saka manipis ang foam. Parang hindi ko ito higaan.
Nasaan ako?
Napahawak din ako sa may dulo nito at may nahawakan akong parang railings at nakadama din ako ng kung anong nakakabit sa kanang braso ko at pati na rin ang kirot sa bandang pala pulsuhan ko.
"Hello, does anybody know where I am?" malakas na tanong ko sa sinumang makakinig. Hindi ko alam kung nasaan ako basta't ang sigurado lang ay wala ako sa bahay ko.
Mayroon yatang nakarinig sa akin mula sa labas dahil may narinig akong pagbukas ng pinto at yabag ng mga paa.
"Ssshh, it's okay. You're okay now...kailangan mo lang magpahinga muna para lumakas ka." si Berto. Hinawakan niya ako upang kumalma.
Naalala ko kung ano ang ginawa ko at kung bakit ako narito ngayon. Hindi ko alam kung anong oras niya ako natagpuan o kung ilang oras ako nakahandusay, basta ang alam ko'y nawalan na ako ng malay matapos kung laslasin ang aking kaliwang pulso.
"You should have let me die.!" medyo pasigaw ko sa kanya.
Ang daya niya. Namumuhay siya ng normal tapos gusto niyang nahihirapan ako ng ganito.
"You're being selfish, alam mo ba yun..maraming tao ang nagdadasal para lang madugtungan ang buhay nila samantalang ikaw kikitilin mo lng ito." malumanay ngunit malungkot na saad nito. "alam kong mabigat ang dinadala mo ngayon pero sana magpakatatag ka. Mas maswerte ka pa nga dahil nasilayan mo ang mundo. May mga tao na pinanganak na hindi man lang nakita kung gaano kaganda ang mundo natin. Let us hope na may himalang mangyayare..may mga paraan pa. "
"Berto, let us break." walang gana kong sambit sa kanya.
"Ha? Pinagsasabi mo dyan." pagsusungit niya.
"Alam kung magsasawa ka rin sa akin. Kaya habang mas maaga pa ay putulin na natin ang anumang namamagitan sa ating dalawa." I uttered as I stare into space.
"Pahinga lang yan. Sige na magpahinga ka lang at nang makalabas na tayo rito."
Umirap na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. What is the point of being with me? I will be just a burden to him at ayokong mangyaring mahirapan siya nang dahil sa akin. Marami pa siyang mahahanap na iba. Mas maganda. Mas mamahalin siya. Mas maaalagaan siya. Mas karapat dapat. At higit sa lahat walang kapansanan. Hindi maganda na nag-uubos siya ng panahon sa akin. Para rin naman sa kanya iyon. Walang saysay ang mga wish ko dahil hindi ako pinakinggan ng panginoon. At isa pa nagtityaga siya sa akin dahil sa pag-asang maibabalik pa ang paningin ko. But now that the truth was revealed, alam kong di na rin siya magtagagal sa piling ko kaya mas mabuti nang handa ako o ihanda ang sarili ko.
Mabilis naman akong gumaling kaya ilang araw lang ay nakauwi na ako sa bahay. Hindi ko pa rin kinakausap nang matino si Berto nang sa ganoon ay siya na rin mismo ang tumabang sa akin. Ginawa ko ang lahat ng pagsusungit sa kanya gaya nung una kaming nagkakilala. Pero sadyang matigas siya.
"Ano ba Berto, anong hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko sa'yo?!" nagmamatigas pa rin kasi siya at ayaw akong lubayan. Kaya niyang maghintay sa pinto ko kahit na magdamag upang kausapin lang ako.
Mas madalas na rin ang pagbibigay niya ng mga bulaklak o kaya ng mga bagay. Para bang nanliligaw siya ulit.
"Ano ba kasing nagawa ko at ginagawa mo sa akin ito!" pasigaw na tanong niya na animo'y nagsusumamo sa sagot.
"Ayun na nga e! Sobrang dami mo nang nagawa para sa akin na hindi ko naman kayang suklian!"
"E ano naman ngayon? Hindi naman ako naghahangad na kapalit Paneng! Ginagawa ko ito dahil mahal kita. Nagsasakripisyo ako dahil mahal kita." may sinseridad sa kanyang tono.
BINABASA MO ANG
ONE THOUSAND PAPER CRANES
عاطفيةSometimes you have to believe in surprises. A surprise that will change how you see the world. Is it possible to fall in love with someone without seeing him/her? But what if that surprise will just hurt you? Let us find out with the story of Steph...