SULAT SA DAKILA

12 0 0
                                    

By: Lucas de Madrid

Ikaw, ikaw na lumikha sa tao
Wala ng iba makakalikha kundi ang tulad mo
Ikaw na Dakila
Ako man ay ordinaryo sa bawat mata
Subalit sa iyo, ako' y isang magandamg likha

Ngunit nakakalungkot sa aming bayan
Na tila bang ginawang laro ang salitang kamatayan
Nalimutan na Ang buhay ay nasa iyong pasya
Sapagkat na-bingi, sa putok ng mga bala

Bawat isa sa amin ay iyong hinilma.
Malakas o mahina.

Sa iyong paningin.. bawat buhay ay maningning
At ngayon, ang ilaw ay buhay,
Ay unti-unting tinatangay ng mga agos,
Sa dagat ng poot at pagkalimot

Buhay sa mundo ay tila bang hawak ng berdugo
Kagalakan sa bawat agos ng dugo.
Tao ay pinapatay ng tao.

Hilumin ang aming bayan.

POEMS COLLECTIONWhere stories live. Discover now