By: Alloni
Matagal akong nasabik
Sa iyong pagbabalik
Sa tagal ng paghihintay
Ikaw ang inaantabayMasaya akong makita ka
Dahil ngayon andyan ka na
Sinalubong mo ako ng yakap
Ang higpit, napakasarapDahan dahan kang bumulong
Sabi mo, "Ako'y may pasalubong,
Sana ay magustuhan mo
Dahil pinag isipan ko ito."Inilabas mo ang isang aklat
Napakaganda ng pabalat
Natuon sa akin ang nakasulat
Biblia ang pamagatNapakagandang regalo
Pagkat ito'y isang libro
Sari saring kwento
Makakatulong sa aking pagkataoLagi kong tatandaan
Araw ng ito'y ibigay
Di malilimutan kaibigan
Dahil bahagi ito ng buhayHindi man lagi makakasama
Ayos lang, andyan ang Biblia
Masasandigan kung kailangan
Sagot sa libo libong katanunganBabasahin ito araw araw
At hindi ito kaliligtaan
Dahil sa munting Biblia
Para ba ring kasama
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...