PANAGINIP

31 0 0
                                    

By: Alloni

Isang gabi na nahihimbing
Narinig ang tinig mong kay lambing
Sa panaginip ika'y dumalaw
Parang totoo, maningning pa sa ilaw

Isang makisig na binata
Nagpapahiwatig ng paghanga
Sa isang simpleng dalaga
Na sa panaginip lang nakilala

Sa munting liwanag mo
Tumibok ang dibdib ko
Sa bawat minutong kasama
Ayaw ng bumitaw pa

Sa bawat gabing kapiling
Wala na akong mahihiling
pagkat pagsapit ng gabi
Sa panaginip ikaw ang katabi

Ngunit sinisinta ko
Pasensya ka na at lilisan ako
Dahil kapag umaga na
Ikaw ay panaginip lang talaga

POEMS COLLECTIONWhere stories live. Discover now