By: Alloni
Kumusta na ang mundong ginawa mo?
Bakit biglang nagkaganito?
Anong nangyari sa bayan ko?
Saan galing ang epidemyang ito?Mga tanong na gumugulo sa isip
Nagpapasikip ng aking dibdib
Araw araw balita ang kamatayan
Ililibing ng walang katarunganBabalitaan man ang madla
Ngunit wala pa rin magawa
Meron man darating na babala
Ngunit palaging hindi rin handaMistulang bilanggo ng komunidad
Hindi magrereklamo pagkat nararapat
Ang epidemyang naging salot sa lahat
Kahit modernong bayani ay walang ligtasHarap harapan, sila'y lumalaban
Kahit mismong sila din nahihirapan
Nais ang bayan ay maligtas
At aasa sa magandang bukasBigyan sila ng talino at iyong gabay
Nang epidemya'y agarang mapatay
Sa salot na ito, alanganin ang lagay
Buhay namin nasa iyong mga kamayAMA, tulungan nyo po sila
Pagkat sila'y may kahinaan din
Ang iba sa kanila'y di na rin nagtagal
Sana sa kanilang pagbagsak, sila'y saluhinDalanging ito, sana'y makarating
Mapagbigyan ang aking hiling
Kalabisan mang maituturing
Ang epidemyang ito, inyong tapusin.#Fronliners
Sa lahat po ng mga fronliners, saludo po ako sa inyo...
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...