By: Alloni
Unang misa dito sa amin
Alam kong medyo alanganin
Mga tao'y hirap kausapin
Upang sa misa'y yayainAng panahon ay alangan
Sa hapon ay uulan
Paano na ang misa?
Butas pa ang kapilyaWalang patid ang tulo
Sa bubong na may buslo
Patak dito, patak doon
Tulungan mo ako, PanginoonUpuang galing sa barangay
Ang tagal kong hinintay
Ngunit walang dumating
Ano na ang gagamitin?Sarili'y kinakausap
Tumingin sa alapaap
Na sana'y hawiin ang ulap
Nang ganap ng lumiwanagAng tulong ay dumating
Mga taong maaasahan din
Nakatanggap ng mensahe
Ang inyong simpleng ATEAng akala kong palpak
Sa laki ng paghihirap
Diringgin din pala ang panalangin
Natuloy ang misa naminDahil ang sandaling ulan
Ito'y dumaan lang
Akin na itong ituturing
Sa aming lugar ay BlessingsNoo'y pangarap lang
Mamisahan ang lugar
Sinong mag aakala
Malayo na rin ang nasimulanAng maliit na kapilya
Noon parang wala na
Mapapansin din pala
At ngayon, mamimisahan paSa buwanang misa
Hindi ko kaagad napuna
Na noon ay unang STREETMASS
Ngayon ay mag iisang taon na..
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...