By: Alloni
Masayahing mukha sa aki'y ngumiti
Kambal na biloy nakadikit sa pisngi
Mga mata mo'y nangungusap
Mga mata ko'y walang kurapNinais na ika'y makilala
Malaman kung sino ka nga ba
Kilalanin ka ng dahan dahan
At alamin ang iyong pangalanNapagtantong ito'y matagal na
Ang nais imposibleng mangyari pa
Pagkat ang matandang painting
Matagal ng nakasabit sa dingdingAng larawan mong kupas
Nagpapahiwatig ng paglipas
Ang luma nitong kuwadrado
Halata ng antigoPanahon mo'y hindi ko inabutan
Pagkat ika'y nabuhay pa noong araw
Panahon iyon ng digmaan
At ako'y nabuhay sa kasalukuyangGanoon pa man ang nangyari
Ang damdamin ko'y di mawari
Ang painting mong puno ng buhay
Ang nagbibigay sa akin ng kulayAng larawan mo ma'y luma na
Nagpaningning sa aking mga mata
Una ka mang nabuhay sa akin
Hindi ka nabigong ako'y pahangain
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...