By: Alloni
Mga bagay na aking naipon
Walang halaga, pwede ng itapon
Ngunit ito'y aking itinabi
Upang di malimot ang sandaliBasura na ang tingin nila
Pero sa akin ito'y mahalaga
Kahit na ito'y simple lang
Hindi maganda, munti lamangSlumnote ang tawag dito
Natagpuan ang sulat kamay mo
Impormasyong galing sa'yo
Masarap basahin ng mga mata koLuma man dahil matagal na
Kulay ng papel, tuluyang nag iba
Nais nilang ito'y itapon na
Gagawin ko ba kahit ayoko pa?Kalokohan mang matatawag
Walang pakialam, anumang ibansag
Basta ang basurang akala nila
Para sa akin ay alaalaKabataan ma'y lumipas
Ang alaala'y hindi kukupas
Sulat kamay mong naiwan
Mananatili at aalagaanTanong nila, bakit itinabi ko pa?
Simple lang, ito'y alaala
Hindi man ito maganda
Mahalaga kahit tingin nila'y basura
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...