By: Alloni
Ako'y matatag, yan ang akala nila
Pero kung malalaman man, walang halaga
Ang tulad kong minsan ng tinalo ng pagsubok
Daig pa ang pisi ng saranggola sa rupokWala akong masasandigan, ikaw lamang
Kahit ano pang ipaglaban, alam kong matatagumpayan
Basta't andyan ka lang sa aking tabi
Karamay ka sa araw man o sa gabi.Tulad ako ng saranggola na matayog
Sa malayo tanaw nila ang alindog
Tagumpay ko man taas noo nila tingalain
Pero ang pisi nito ay kayang rupokin.Aanhin ang ganda, kasikatan at kapangyarihan
Kung wala ka, lahat ay parang hangin lang
Kailangan ko ikaw magpakailanman
Hawakan mo ang tali ko at ako'y pamunuanPanginoon, huwag mo akong hayaang kumalas
Pagkat kontrol mo ako, ngayon at bukas
Kung mawawala ka sa aking piling,
Hindi alam kung saan at paano ang landas na tatahakinHayaan mo akong lumipad ng naaayon sa iyong kalooban
Nang sa gayon ay hindi ako maliligaw sa sarili kong paraan
Ikaw ang bahala sa akin, sa aming kinabukasan
Sa piling mo, ligtas ako at ang buong sangkatauhan.
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...