By: Alloni
Nagbabago ang mood 'pag Math na,
Paanong mas mahirap itong irisolba?
Mga numerong paikot ikot
Hindi ko alam kung paano sumulpotBakit ang hirap nito?
Sumasakit ulo ko.
Bilang doon, bilang dito
Ang numero'y tumatakboNakakainis mang isipin
Hindi ko makuha ang given
Principal amount, may ganun pala?
Hay naku, sakit sa mata!Bakit pa hahanapin ang nawawala?
Eh kung kahit anong gawin, ayaw magpakita
Sa paghahanap parang dibdib ayaw lumuwag
Kung ayaw ng numero, e di huwag?Pero kahit ano pang sabihin
Hindi pwedeng ito'y hayaan lang
Numerong kailangan ng kwentahin
Upang lumabas ka din puhunanMga hirap sa Math, di' ka nag iisa
Magbilang tayo kahit sumakit ang mata
Dahil kung numero ang tatak ,
Pag aralan natin, kahit pigain ang utak...
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...