By: Alloni
Biglaan..may tumawag sa aking pangalan
Nagsasabing ako daw ay kailangan
Isang simpleng kahilingan ng kaibigan
Nais akong makita, kahit sandali lamangHindi ko mawari, bakit biglang may kaba
Payapang damdamin, biglang nag iba
Kaba sa dibdib, sinlakas ng tambol
Pagsasalita'y, nauutal, nabubulolSa isang lugar nila ako dinala
Lugar na payapa, nakaputi sila
Pump dito, BP, oxygen, kahit saan lumingon
Hindi ko alam, bakit ako naroon?Isang kwartong napakalamig
Hindi pa pasko, malungkot ang himig
Pagtatangis ng inang nagmamakaawa
Na sana'y bigyan pa ng oras ng ating BathalaNakita kita, doon nakahiga
Hirap sa paggalaw, hirap sa paghinga
Agarang tumulo ang aking luha
Kung kaya kong pawiin ang sakit, sana...sana...Kahit hirap, ikaw ay ngumiti
Pilitin man tila nakangiwi
Yakapin man kita'y walang magagawa
Kaya ang hiling ko sana ay himalaWalang nakakaalam, meron palang karamdaman
Walang sinabihan, kundi piling kaibigan
Kaibigan na hindi sanay sa biglaan
Na ang kaibigan ay bigla na lang magpapaalamKung magdadasal, huli na siguro
Dahil kung ika'y mabubuhay, hindi pa sigurado
Kung titignan ang katawan mong halos buto
Kabi kabila ang nakalagay na aparatoNaiyak ako ng ika'y magsalita
Hirap na nga, pero hindi inantala
" Kung ako'y mawawala,hindi kita malilimutan
Hindi ka perpekto pero tunay na kaibiganWag mong sayangin ang luha mo sa mata
Pagkat ako'y malulungkot, kapag umalis na
Alalahanin mo ang langit ay malapit lang
Isang ngiti, isang tanaw, ako'y mararamdamanIngatan mo ang iyong puso kaibigan,
Pagkat dyan ako titira at mananahan
Habang ang puso mo ay malusog at masaya
Dadami ako na katulad din nila.Hindi ako naging mabuti sa'yo
Aalis ako na wala man lang naibalik sa nagawa mo
Ngunit hayaan mong ako'y humingi ng tawad
Patawad sa lahat at maraming salamat..."Bawat salita na nanggaling sa'yo
Mahalaga sa akin bawat bigkas ng bibig mo
Samantalahin, marinig bawat mensahe nito
Dahil bilang ang oras, minuto o segundo.Pag agos ng luha di ko napigil
Dahil sa hininga mong parang sinisikil
Kung kaya ko lang bawasan ang kirot
Nang pansamantalang gumaan ang iyong loobNoon para kang mataas na bituin
Pero ngayon, ito'y sa harap ko at walang ningning
Pahiramin ng liwanag, hindi kakayanin
Anumang oras ngayon, ako'y lilisaninMahal kita kahit sino ka pa
Ganyan ang kaibigan, ugali'y iba iba
Mga kalokohang nagawa noon ay kalimutan na
Pagtatampo, pagdaramdam, wala akong madamaNgunit sagot ko'y hindi mo na narinig
Pagkat hindi na muli tumibok ang dibdib
Ang paghingi ng tawad ay di na kailangan
Dahil minahal kita sa paraang ako lang ang nakakaalam
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoesiaAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...