BALIKTAD

7 0 0
                                    

By:Allonijervis

Sa pag lalakad, hindi ko akalain
Habang abala sa papeles na lalakarin
Mga tao sa akin nakatingin
Sa isip ko, nagagandahan marahil.

Hospital na lakad distansya
Requirements na kailangang ihanda ng maaga
Asikasuhin habang oras ay mahaba
Upang sa susunod hindi na maabala.

Sa bawat hakbang, mga taong makakasalubong
Mga mata'y nakangiti, minsan salubong
Hindi mawari kung matatawa
Minsan iiling at kunwari walang nakita

Pagdating sa lugar na kailangan puntahan
Mabilis na inasikaso, para MALASAKIT naman
Aprobado mula sa staff at mga guard
Sa tulong ng MALASAKIT, naibigay ang hangad.

Ngunit napagtanto ko na ang dahilan
Pagngiti ni ate na bantay sa tinapayan
Sa pagtitig ni kuya  na nakatayo sa tindahan
Napa tingin sa sarili at nalaman kong baligtad aking kasuotan.

Kaya pala, tanong nila kung ako'y naliligaw
Isang ngiti ang sagot ko, at walang hiya-hiyang sinabi na "style ko yan".
Isang ale ang nagturo ng palikuran
Dali-darling nagtungo, binaliktad ang aking kasuotan

Kaya mga kaibigan kong busy masyado
Wag kalimutan kung suot mo ay klaro
Suriin ang sarili at humanap ng salamin
Upang ang kahihiyan ay di mo sapitin.

Note: mangyari ito last December 2022. Sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital and Sanitarium (Tala Hospital)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEMS COLLECTIONWhere stories live. Discover now