By: Alloni
Isang umaga, sa aking paggising
Nasanay nang hindi ka kapiling
Bigla Ang radyo'y natanawan
Wala sa sariling ito'y binuksanMagandang himig ang simula
Magandang tinig ang kumanta
Hindi ko inaakala
Ito'y lovesong palaKantang ating pinagmulan
Himig nating masarap pakinggan
Ngayo'y naririnig ko't ninanamnam
Naaalala ang ating nakaraanAng lovesong nating maraming narating
Ang lovesong natin walang sawang aawitin
Ang lovesong na sana'y mapakinggan mo
Maalalang ikaw ay akin at ako'y sa'yo.Naalala ko man ngayon
Ang ating nagdaang panahon
Mabigyan man ng pagkakataon
Awitin sa harap mo ang ating lovesongAng kantang hindi ko malimutan
Ang kantang hindi ako iniwan
Sana'y sabay nating mapakinggan
Ang kantang minsan nating pinagsaluhan
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...