By: Alloni
Napakaganda mong pagmasdan
Larawan ng iba't ibang kagandahan
Kapag ikaw ang masilayan
Paghanga'y walang pagsidlanIba't iba ang hugis
May tao, halaman, hayop ang kawangis
Makabuo man ako ng larawan
Maya maya'y iba na naman.Sa bawat hugis nito
Iba iba ang mabubuo
May pakpak na lumilipad
O kaya'y mga alon sa dagatNapakataas kapag tumingala
Kapag nakahiga, nakakalula
Sa tuwing titingin sa alapaap
Parang dagat na nakabaliktadPagmasdan mo kaibigan
Ang ulap sa kalangitan
Damdamin mo ay gagaan
Ikaw ay masisiyahanPansinin mo ang mensahe
Ng mga ulap sa ere
Makakabuo ka ng larawan
Imahinasyon mo ang nakakaalamSalamat Panginoon ko
Sa mga ulap na gawa mo
Mga mensaheng pinaaabot nito
Ay ligaya sa buo kong pagkatao.
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PoetryAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...