By: Alloni
Kaibigan, hinangaan ko, iyong kabataan
Pinangarap ang iyong kinalalagyan
Naging instrumento ka para sumulat
Mga mata, sa'yo namulatKatotohanang laganap na ngayon
Pangbu-bully saan dako man naroon
Naging biktima sa kritisismo ng iba
Hindi tayo nabuhay para i-please silaHindi ko sineryoso problemang iyan
Pero hindi ko alam apektado ka na
Nasaan masiyahin kong kaibigan
Makikita pa ba ulit kita?Sana hindi mo na lang ginawa
Ang pagkuha ng regalong pagpapala
Sana ninamnam mo ang sarap
Sarap ng buhay na maginhawaSana nakinig ka muna sa lahat
Hindi sa iilan na dulot paghihirap
Sana minahal mo ang sarili
Nang sa huli ay walang pagsisisiSana noon sinabi ko na
Yung makikita at maririnig mo pa
Pasensya na kung huli na
Kaibigan, mahal kita...Pero bakit dahil dito?
Nasaktan mo ang sarili mo
Mahal kita at totoo iyan
Pero hindi mo na ito malalamanHindi ko matanong kung bakit
Bakit sa suicide ika'y naakit
Di man nila alam ang paghihirap mo
Aalalahanin kita sa mga gunita ko.Note: B- bully
S- suicide
YOU ARE READING
POEMS COLLECTION
PuisiAng mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay na...