Chapter 23. Bye Papa!

47 0 0
                                    

Courtney’s POV

Haaay…. Kung kelan naman mageexam saka ako walang gana pumasok…

------Flashback------

“Oh Pink, napatawag ka?...ah ganon ba?...so sa during week ends lang?...walang free day?...Monday?... pwedeng after class?... yun naman pala eh… sige call kamo tayo doon… ok bye…”

“Kurt sino yun?” tnong ko sa kanya…

“It’s not nice na makinig ka sa usapan ng iba…”

“Eh…hindi ko naman napakinggan eh…yung side mo lang naman ang napakinggan ko eh…” sabihin na nyang makulit ako, pero gusto ko talagang malaman…

“Whatever, classmate ko yon, magsagot ka na nga lang dyan…”

“Pero tapos na ako…”

“Ok, then let’s check it…” bakit ba parang ayaw niya pagusapan yung katawagan nya?

“Wait lang pwede break muna? May tatanong lang ako sayo…”

“Ano nanaman ba yun! C’mon spill it…”          

“Babae yung tumawag sayo diba? Tingin mo ba may gusto sya sayo?” er, anong klaseng tanong bay un? Halatang halata namang nagseselos ako…

“Maybe?” ouch…

“Eh ika—“

“Wala na tayong oras I’ll just check this tapos mabasa ka muna ulit ng notes…” wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, baka kung ano pa kasi ang maitanong ko kaya hinayaan ko nalang din…

------Flashback------

Nagsisisi ako at tinanong ko pa si Kurt na ganon hayaan tuloy masakit…

Sa bagay ni-minsan naman hindi ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko kaya wala syang ideya na nasasaktan ako ngayon…

Gumagayak na ako para pumasok, hindi kasi ako pwedeng umabsent dahil midterms ngayon sayang naman ang hirap ko lalo na ni Kurt kung ngayong araw pa ako hindi papasok.

Naisip kong pumasok ng mas maaga upang hindi kami magkasabay, ayokong makita siya… parang kinukurot kasi yung puso ko hindi dahil sa sinagot niya ng ‘maybe’ yung tanong ko, kundi dahil iniwasan nya yung huli kong tanong which suppose to be about his feelings towards that girl, feeling ko tuloy meron eh, ayaw lang nyang i-open sa iba kaya nya iniiwasan…

Bumaba na ako upang magpaalam kina tita, tumuloy ako sa kusina dahil alam kong andoon sila kapag umaga…

O___O

Nagulat ako nang makita ko si Kurt, umiinom ng kape, at nakagayak na…

“Good morning iha… halika at kumain ka na…” aya sa akin ni tita

“Ah naku hindi na po, kailangan ko na po kasing pumasok, sa school na lang po ako kakain…”

“Ganoon ba? Pero exam nyo pa naman ngayon, tapos hindi ka kakain ng agahan?”

“Tama ang tita mo anak, sige na kumain ka na muna…” dahil panagtulong-tulungan nila ako, wala na akong nagawa kundi kumain…

“Mama papasok na po ako…” biglang tumayo si Kurt sabay kuha ng bag niya…

“Kurt mabuti pa sumabay ka na sa amin ni Courtney ihahatid ko kasi siya ngayon…” offer ni Papa, naku asa pa akong pumayag sya kay Papa…

“Ganon po ba sige po…”

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon