Chapter 3. The first/second encounter

45 1 0
                                    

Courtney’s POV

“Courtney looooooooooooooove!” ayan nanaman si papa umaga na naman kasi.

“uhm? Adyan na po...”bumangon ako para i-check kung anong oras na “ano ba yan 7:32 palang pa----O-M 8 am ang pasko ko!” nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagbihis na ako. Bumaba na ako para magpaalam na aalis na.

“Papa aalis na po ako ha!”

“Eh humigop ka muna kahit kape?”

“Late na po ako!”

“Ah ganun ba? sige sa school ka nalang kumain saka diba hanggang 5 pm ka lang? umuwe ka agad ha kasi aalis tayo.”

“Opo sige” I give him a kiss on his check and go...

Mabilis kong tinakbo ang school tutal malapit lang naman yun sa bahay naming. After 135436543654687 seconds nakarating na din ako hahaha sabi ko na sa inyo malapit lang eh. Dali-dali akong umakyat sa 2nd floor ng building namin. Dun kasi ang klase ko. Malapit na ako sa room nang Makita ko ang 2 kong babes sina Lora at Ronnela.

“Uy mga babes san kayo pupunta?” tanong ko habang humuhingal

“Ikaw ang saan pupunta?” sagot nila ng sabay na akala mo eh nag rehearse bago sabihin.

“Tongaks, ade papasok. wala pa ba si Maam Reynoso?”

“Wala at hindi na siya dadating.” Sabi ni Ronnela

“Eer… bakit daw? Nagmadali pa naman ako…”dismayado kong sagot

“aba ewan ko. Baka nakipagmeeting sa Malacañang, alam mo naman yung laging may ka-meeting” inis na sagot sa akin ni Lora.

Si Lora ang may ari ng bar na tinutugtugan namin tuwing weekends mabait naman yan minsan lang talaga may konting toyo si Ronnela naman sobrang masiyahin yan siya ang laging nagpapasaya sa grupo lalo pa pagkasama naming ang isa pa naming kaibigan na si David pero di ko nakita ang baklang yun ngayon nasan na kaya yun?

“Ronnela nasan si David?” usisa ko

“Hay ewan! Tanungan ba ako ng nawawalang dinosaur?” 

“Hahahaha…”nagtawana kaming tatlo.

“Tara, kain tayo?” pagaaya ni Lora. Tamang tama hindi pa ako kumakain kakamadali ko kaya sumama ako sa kanila.

Pagdating namin sa canteen konti pa lang ang tao, maaga pa naman kasi. Pumila kami at umorder ng hot chocolate at pizza burger. Naghanap na rin kami ng magandang pwesto para makain na namin ang aming inorder. Uupo na sana ako nang biglang manlaki ang mata ni Ronnela.

“Anyare?” tanong ni Lora habang nakakunot ang noo.

“O—M di ko kinaya! Ayun yung crush mo Courtney oh”. Ituturo nya sana yung nakita nya pero bago paman niya magawa yun eh binigyan ko na siya ng sige-ituro-mo-and-youre-dead look. Hindi ako lumingon alam ko naman na kasi kung sino ang tinutukoy ng magaling kong kaibigan eh… sino pa ba kundi ang nag-iisa kong crush na si Kurt dela Vega.

Since high school pa lang boyfriend ko na yang si Kurt, pero hindi pa nya alam… secret ko lang yun…pero sigurado ako na darating din yung panahon na malalanam nyang boyfriend ko sya. Hahaha, libre talaga mangarap. Wala naman kasing babae ang hindi main-love dyan kay Kurt complete package na kasi sya, matalino,may sense of responsibility, basta… to many to mention ang mga katangian nya na gusto ko. Balita ko din na hindi pa siya nagkaka-girlfriend… oha! Paano naman sya magkaka girlfriend eh hindi pa nga sya nagtatapat sa akin. Bwahahahaha…

“Nakakainis talaga pare! Akalain mo yun hindi naman naming kaano ano kukup-kupin ng parents ko tapos eto pa dahil mas malaki ang kwarto ko kaysa sa guestroom aba eh dun ako pinalipat sa guest room para naman daw masiyahan ang bisitang yon? Ano ba akala nila sa bahay namin orphanage na bukas sa lahat ng mga walang matuluyan?” Halatang irita si crush kasi hanggang sa pwesto namin ay dinig ang boses nya.

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon