Chapter 5. Bus experience

41 1 0
                                    


“Courtney?’’

*kulbit*kulbit*

“Courtney…dear?”

“Papa naman eh…” ang aga nangising ni papa tsk… 10 am pa ang pasok ko…

“Iha, gising na…” aba boses babae na ang papa ko ngayon? Kinalabit ulit nya ako at dahil nakulitan na ako eh minulat ko na ang mga mata ko…

O______-

O_____O

Pikit ulit… nananaginip pa ata ako…

-______-

O______O

“Waaaaaaah! Tita! Sorry po kayo po pala yan?...” nagulat ako nung pagdilat ko ulit ay muka ni tita ang nakita ko nakangiti sya at naka-peace sign sa akin ng ganito…

( ^__________^ )v

“Good morning my princess… breakfast is ready…” grabe nakakahiya… naabutan pa ako ni tita na ganito ang itsura ko, gulo-gulo ang buhok ko at may panis na laay pa ata ako.

“Good morning din po tita, sorry po hindi ko na kayo natulungan magprepare ng breakfast…”

“Nako, ok lang yun no… syempre naiintindihan ko naman na pagod ka kagabi at marami ka pang gagawin ngayon at kailangan mo ng extra power... oh sya… Maligo ka na saka ka bumaba. Si Kurt gumagayak na din yun 9 am ang pasok nun ngayon ikaw diba 10 am? Tamang tama magsabay na kayo para may kasabay ka sa pag labas dito sa village... mahirap na bago ka pa lang dito.” Daming sinabi ni tita para ko na talaga syang mama ang gaan ng loob ko sa kanya…

“Ah… sige po… paano nyo po pala nalaman ang schedule ko?” usisa ko nakakapagtaka kasi na alam nya kung anong oras ang pasok ko ngayon…

“ah yun ba? Tinanong ko sa papa mo ang schedule mo para alam ko… hehe…oh sya sige gumayak ka na!” tumayo na ako para magsimulang gumayak…

After ko gumayak bumaba na ako para kumain tiningnan ko ang oras 7 am pa lang an gaga ko pala nagising? Ayos na din to para makasabay ko si crush…ay! Mali galit nga pala ako sa kanyang kayabangan... pero infairness kagabi nung kumakanta ako kasama si papa tulo laway ng lolo mo. Humanga siguro siya akin nung narinig nya ang boses ko… hehe.. libre talaga nangarap… pag baba ko wala pa si crush siguro gumagayak pa?

“Good Morning po...” bati ko sa kanila ngumiti naman si tita nung nakita ako pinaupo niya ako sa tapat niya. Sakto namang bumaba na si crush… hay nako kagabi lang halos isumpa ko sya tapos ngayon wala na ang galit ko sa kanya… ganun lang naman talaga ako magalit eh, sandali lang.

“Good morning po…” bati nya sa amin… ewan ko pero parang di ako kasali  sa pagbati nya…

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon