Chapter 7. war/confession/war

24 1 0
                                    

Courtney’s POV

“K—Kurt ! A—nong ginagawa mo d—dito?” pautal kong sabi habang tila napako ako sa kinatatayuan ko… naman… ano kaya kailangan nya? Baka namiss nya na ako? Hahaha

“Tara na umuwi na tayo…” yun lang ang sinabi nya…

“Teka pards wag mong sabihing… nasa iisang bubong kayo nakatira ni Kurt?” ayan na… nagumpisa na si Bullet patay ako nito…

“Ah… kasi ano eh—…” di ko alam kung anong sasabihin ko.

“Ano pa bang tinatayo-tayo mo dyan? Kanina pa ako naghihintay dito! Hinihintay na rin tayo sa bahay!” sabi nya sabay talikod… aw… galit na ata sya.

“Mga pards, sige mauna na kami… bukas nalang ako magpapaliwanag…” tumalikod na din ako sa kanila upang sumunod kay Kurt…nakita ko naman na ngumiti ng nakakaloko si Bullet…

“Talagang marami kang dapat ipaliwanag… hahaha sige ingat na lang siya sayo!” aba lokong yun dinilaan ko nalang sya sabay takbo…

 Ang bilis maglakad ng isang yun ah…

“Hoy Kurt sandali lang!” sumigaw ako kaya natigilan siya at humarap sa akin!

“Tsss. Pwede bang bilisan mo ang pag lakad alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo na dapat e hindi ko naman talaga ginagawa!” galit na sabi niya…ang cute niya magalit…hahaha…

“Aba sino ba ang nagsabi sayong hintayin mo ako? Nagrequest ba ako ha? May usapan ba tayo? Wala naman ah!” kahit ang cute niya magalit, aba nakakainis pa rin yung mga isinabi nya no…

“Yun na nga eh wala… pero tinawagan ako ng papa mo at pinakiusapan ako na hintayin ka! Hindi ko lang masabi na kaya mo naman ang sarili mo dahil isa kang amazona…”

“A—ako amazona?” pagkatapos non hindi na siya sumagot at tumalikod na ulit para magumpisa maglakad hanggang sa makarating kami sa sakayan ng bus…

Walang umiimik sa aming dalawa… grabe mas boring pa ito kaysa sa pakinggan ang tinituro sa amin ng professor naming kanina. Nung makarating kami sa harap ng gate ng village nila naglakad naulit kami ng tahimik… oo tahimik dahil hanggang ngayon eh wala pa ring umiimik sa amik… muntik na akong malason ng panis na laway ko…

Neil’s POV

------Flashback------

“K—Kurt ! A—nong ginagawa mo d—dito?” pautal pautal na sabi ni C.L

“Tara na umuwi na tayo…” umuwi? Sila? Napapano ba ang isang to?

“Teka pards wag mong sabihing… nasa iisang bubong kayo nakatira ni Kurt?” tanong ni Bullet sa kanya sya kaya yung anak ng  sinasabi nitong si C.L na kaibigan ng papa niya?

“Ah… kasi ano eh—…”nauutal siya…

“Ano pa bang tinatayo-tayo mo dyan? Kanina pa ako naghihintay dito! Hinihintay na rin tayo sa bahay!” ayun… yun ang sagot sa mga naglalakihang Question mark sa utak naming tatlo…

“Mga pards, sige mauna na kami… bukas nalang ako magpapaliwanag…” tumalikod na siya sa amin upang sumunod kay Kurt…

“Talagang marami kang dapat ipaliwanag… hahaha sige ingat nalang siya sayo!” pangbu-buska ni Bullet…

------Flashback------

“Sigurado akong makabutas langit ang tuwa ngayon ni Courtney…” biglang sambit nitong si Raven…

Tama siya… alam naman kasi namin na may gusto si C.L kay Kurt… syempre may maitatago ba si C.L eh napaka expressive na tao nun… natandaan ko pa nga nung minsan na tumugtog kami sa isang school event, halos bumula ang bibig n C.L sa sobrang kilig nang makita nyang lumabas mula sa office ng student Council si Kurt… tanaw kasi yun mula sa stage kung saan kami nagpeperform. Oha! Hindi yun nanonood ha… lumabas lang yun sa office niya pero itong so C.L halos mangisay sa kilig…

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon