Chapter 2. that's what friends are for...

55 1 0
                                    

Kring…..

Kring…..

Kring….

Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag

Neil

Calling…

“hey!” bati ko sa kanya. 

“hey ka jan!..” aw. Sunget.. ”… mamaya may rehearsal ang banda pwede ka ba? hindi pwedeng hindi ha!”

“abnoy ka ba? Tinanong mo ako kung pwede ako tapos hindi naman pala pwedeng tumanggi?”

“ansunget mo pards! Joke lang yun noh! Alam ko may raket ka ngayon kaya pinaalala ko na sayo, mahirap na, ayokong kumanta ngayon tinatamad ako.” =___=

“tss. Di mo na kailangan ipaalala sakin yon! Alam ko namang tamad ka eh. Sige na masyado na akong nadedelay sa rehearsal ko mamaya nalang. Bye I’m hanging up..” paalam ko sa kanya

“ok bye pards see yah!” then we both hang up.

Neil Fernandez siya ang lead guitarist ng banda namen at the same time siya din ang second voice at pag hindi ako pwede or wala ako sa mood kumanta siya ang kumakanta. Hanep kasi ang boses non parang anghel pero mukang di naman… hahaha basta flexible yun mapa rock, love song o rap kaya nya. Ampogi pa daw niya sabi ng iba… pero di ko kasi makita siguro kasi lagi na kami magkasama kaya sawa na ako sa muka nya.

Umalis na ako sa bahay. After few minutes nasa studio na ako, naghihintay na don ang mga tuturuan ko, mga teenagers din haha... ayos to di ako gaano mahihirapan.. Almost 4 hrs din ang tinagal ang rehearsal ko yung iba kasi medyo di makasunod sa steps. After ng rehearsal nagpahinga ako sandali at kumain sa jolibee then umuwi ulit ako sa bahay para magpahinga ng kahit isang oras 5 pm pa naman kasi ang band rehearsal 3:10 palang naman kasi.

Bulagta ako sa kama ko pagdating ko sa bahay. Wala si papa nagaayos siguro ng mga papers niya haaay….nag alarm ako ng 4:10 para atleast may isang oras akong tulog.

zZzZZzzzzzz………….

The time is 4:10….

The time is 4:10….

The time is 4:10….

“pwede ba tumigil ka na!” sabay pindot sa phone ko para tumigil ang alarm. Nagprepare na ako para makapunta sa band rehearsal kinuha ko ang converse shoes ko saka t-shirt at jeans para magbihis at tinali ko ang buhok ko tapos off to band rehearsal na ako. Wala ng toothbrush-toothbrush hahaha. Binuhat ko na ang guitara ko at nagmadaling umalis ng bahay.

Neil’s POV

“pards ang tagal ni Courtney ah… mukang ikaw muna ang kakanta?”. Sabi ni Bullet ang drummer ng banda.

“Pwede ba? Wag ka magbiro ng ganyan  ( -__-)..paos ako ngayon pinakanta ako ng tito ko sa birthday niya.” Tsk…anak ng tinapang hubad naman talaga nasan na kaya yung gusgusing yun! Pinaalala ko pa naman sa kanya na may practice kami ngayon. Biglang bumukas ang pintuan ng studio, kasabay nabuhay ang loob ko...

“Sorry mga pards late ako!” sabi niya habang mabilis na nilapag ang gitara nya sa isang sulok. “Ano? Game na?” humarap siya at ngumiti saamin.

“game!” yun na lang ang nasabi ko nakakatameme kasi ang ganda nitong si Courtney simpleng t-shrt, maong na sira sa banding tuhod at sneakers lang ang suot niya. Wala syang arte sa katawan. Kundi isang maliit na wrist watch. Pero don’t get me wrong ha di ko gusto ang gusgusing babae na yan. Parang little sister ko lang sya at brother naman nya ko... yun lang talaga…

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon