Chapter 17. Caldareta moment

16 1 0
                                    

Courtney’s POV

I’m the queen of the world! Hahaha wala nang mas sasaya pa sa akin! Ang tumalbog sa kasiyahan ko paslang! Ikaw ba naman ang ayain ng taong mahal mo na umuwi? Di ka ba sasaya nun? Actually wala naman siyang sinabi na sabay kami umuwi tinanong lang niya kung di pa ba ako uuwi… pero para sa akin ganoon na din yun! Hahaha…

Sumakay kami ng bus saka naglakad pauwi... pag pasok namin sa pinto nakita ko kaagad si Papa…

O__O àPapa

“An—dito na pala kayo… kamusta ang school?”

“ok lang po bakit ang aga nyo po ata?” sagot ko kay Papa…

“ah—eh wala kasi akong gaanong gawain sa shop kaya umuwi nalang ako ng maaga…”

“ah sige po magbibihis lang po ako…” tinalikuran ko na si Papa at umakyat upang magpalit ng damit… pagbaba ko nanuod ako ng t.v di nagtagal ay tinawag na kami ni Tita Esther para kumain kaya naman pinatay ko na ang t.v at nagpunta sa dining area…

@___@ àhaha ako yan!

“WOW! Ang sarap naman ng ulam… my favorite!” O.A ng reaction ko, sorry naman paborito ko kasi ang ulam… umupo na ako sa pwesto ko nang biglang dumating si Kurt…

“Wow! Paborito ko ang ulam ah!”

Waaaaaaaaaaahhhhhhhh! Pareho kami ng paboriong ulam! Sabi na nga ba eh soulmate kami. (^__^)

Sabay sabay na kaming kumain… si Papa walang kibo si Tita Esther naman at Tito Melvin panay ang kwentuhan, si Kurt ayun… walang pakialam…P.G ata ang laki ng subo eh…ako din naman ganado kumain lalo’t ito ang ulam! Yummy…parang kilala ko ang lasa ng Caldaretang to?

“Papa ikaw po ba ang nagluto?” tanong ko kay Papa…

“hehe oo anak ako ang nagluto… ano nagustuhan mo ba?” sabi na eh… kilala ko ang timpla ni Papa…

“Opo! The best talaga ang luto mo Papa…” ubos na ang ulam ko sa plate kaya kinuha ko ang isa pang tigh part na natitira pero…

“Ako ang nauna kaya ibigay mo sa akin yan…” sabi ni Kurt sa akin…

“Anong ikaw? Ako kaya! May sarsa pa doon oh! Yun nalang ang iyo… ang dami mo na nakain eh…” sagot ko sa kaya… aba hindi ako magpapatalo sa kanya! Ako naman talaga ang nauna eh…

“Ayoko nga bakit hindi nalang ikaw ang kumain non? Basta ako ang nauna kaya ibigay mo ang ulam ko!”

“Ayoko ako ang nauna!”—ako

“Ako!”—Kurt

“Ako sabi eh”—sabi ko naman…

“Tumigil na kayong dalawa… marami pa nyan sa kitchen, kukuha ako!” sabat ni tita…

“Ayan kasi ikaw eh…” sabay naming sabi ni Kurt…

“Tumigil na kayo ha, nasa harap kayo ng pagkain…”    

“Opo!” sabay ulit naming sabi, haha nakakatuwa para kaming mga bata na nag-aaway sa isang candy, pero kahit ganoon ewan ko pero good vibes pa rin ako. Sana may mangyaring maganda ngayon…

Pagkatapos kumain nagpahinga ako sandali at umakyat na sa kwarto upang ihanda ang gamit ko para sa tutorial namin ni Kurt…

Kumatok ako sa pinto niya at pinagbuksan naman niya ako…

“Alam mo ba kung anong oras na?” bungad niya sa akin…

“so—”

“Tinatanong ko kung anong oras na hindi mo kailangang magsorry, just answer my question…” aw! Ang sungit naman ng isang to!

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon