Chapter 6. Watta day!

27 1 0
                                    

After nung incident sa bus…

Nanlata talaga ako! Sobra…

“Uminom ka muna…” nagulat ako nang biglang sumulpot sa right side ko ang isang magic hand na may hawak nainumin, tumingala ako para makita yun si Kurt pala…grabe… killig much ang moment na ito…

“Ano, Kukunin mo ba?” ay! Masado naman akong natameme dun. Kinuha ko na ang inuming binigay ng boy—este ni Kurt sa akin mahirap na baka mamaya magbago pa isip nito…

“Sal—“ ay… umalis na pala siya…

Haaay sobrang aga pa para sa klase ko kaya naisipan kong pumunta muna sa studio para doon muna magpalipas ng oras. Pagdating ko sa studio, tamang tama at walang tao… maaga pa kasi, pagbukas ko ng ilaw…

“Ano ba! Sino bang andyan?” nagulat ako nang makita ko si Bullet na natutulog sa isang sulok ng studio…

“Sorry pards! Akala ko kasi walang tao e…bakit nga pala ang aga mo ata ngayon?”

“7-8 am ang una kong klase, tapos 10 am na ulit ang balik ko kaya naisipan kong matulog muna dito, ikaw bakit ang aga mo dito? Wala ka bang klase?”

“Meron. Maaga lang akong pumasok kasi lumipat na kami ng bahay di ko pa kabisado ang daan, mahirap pag walang kasabay…”

“Sino kasabay mo?” naku patay… ayokong malaman ng isang to na si Kurt ang kasabay ko kundi aalaskahin ako nito, isa’t kalahating pangasar pa naman tong si Bullet…

“Naku di mo kilala yun, oo nga pala hindi ba nagagawi dito sila Neil at Raven?” change topic na hahaha!

“Mamaya pang hapon yung mga yon. Ui pards pwede ba akong manghingi ng request sayo?”

“Ano ba yun?”

“Diba tropa mo si Lora?”

“Oo bakit?”

“Hehe, penge naman ako ng number nun!”

“Naku baka magalit sakin yun pards wag na… sa kanya mo nalang kunin sa Biyernes pagtugtog natin sa bar nila…”

“Pards naman, sige na ako nalang magpapaliwanag…”

At dahil hindi ako mapanatag sa pangungulit nitong si Bullet, in the end binigay ko na matahimik lang… good luck na lang mamaya kay Lora.

8:30 palang umalis na ako sa studio baka mamaya kung anong request nanaman ang maisip ni Bullet... pagdating ko sa room konti pa lang ang mga classmate ko na andoon. Naghanap na ako ng magandang pwesto at dahil sa mabuti akong kaibigan at may kasalanan ako kay Lora pinag reseve ko na silang tatlo. Di nagtagal dumating na si David…

“Pokpok ka! Bakit ang aga mo ngayon ha?” ganyan talaga yan mambati, nakakasira ng reputasyon.

“At bakit masama ba? Ano ka ba, STUDY HARD ako ngayon at sinisimulan ko yun sa pamamagitan ng pag pasok ng maaga…”

“hahaha! Talaga lang ha? Sige lang… panindigan mo yan ah…gusto mo yan eh…” napaka buti talaga ng kaibigan kong to… ang lakas maka motivate. Ilang minuto lang ang lumipas magkasabay namang dumating sina Ronnela at Lora, patay ayan na siya…

“Ola Boots Ola Dora!” bati sa amin ni Ronnela, ah basta ang alam ko ako si Dora at si David si Boots… BWAHAHAHAHA….

Dahil sa bati ni Ronnela nagsimula ng magkulitan ang dalawa, si Lora naman kanina pa text ng text, di ko nga pinapansin…mamaya ako pa maharap nito… maya-maya bigla nya akong kinalabit…

“ba—“

“Naku babes sorry ha kinulit kasi ako ni Bullet na ibagay ko yung number mo sa kanya eh sorry talaga…”

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon