Chapter 16. friendship vs. love

31 1 0
                                    

Jim’s POV

“Ganyan talaga minsan ang mga bata pag in-love…”

Naalala ko nanaman ang sinabi ni Esther, talaga kayang may napupusuan na ang anak ko?

“Hay naku Jim kilala mo naman yun eh… sigurado akong magugustuhan mo ang lalaking minamahal ng anak mo!”

 

Kilala ko? Baka naman si Neil? Mabait kasi ang batang yun at alam kong maalagaan naman niya ang anak ko…

Nitong mga nakaraang araw lagi kong naiisip si Courtney malapit na kasi akong umalis 2 weeks nalang…at gusto ko bago ko iwan ang anak ko nasa mabuti siyang kalagayan. Ayoko rin namang iwan sya, kaya lang gusto kong ibagay ang lahat sa alaala ng kaisa-isang babaeng minahal ko…

Mahal na mahal ko si Courtney higit sa buhay ko, siya lang ang kaisa-isang meron ako…

Kring…..

Kring…..

Kring….

Sino ba tong istorbong to?

Agency

Calling…

 

Bakit kaya napatawag ang agency?

“hello?”

“Hello Mr. La Guardia?”

“yes speaking..”

“Good news po… napabilis po ang pagprocess ng employment nyo sa Macao, makaka-alis na po kayo Friday next week…”

“A—ah ganon po ba? Sige po at maraming salamat…” inend na ko na yung call…

Sinarado ko na ang shop saka umuwi… ngayon mas kailangan kong makasama ng matagal ang anak ko…

Pagdating ko sa bahay si Esther lang ang andoon…

“Oh Jim bakit ang aga mo ata?”

“Eh, hehehe, walang gaanong gawa sa shop ngayon eh… kaya napagdesisyunan ko nang umuwi, Esther alam mo ba kung sino yung napupusuan ang anak ko?”

“Bakit mo bigla naitanong yan? Hahaha… almam mo ba Jim natutuwa ako sa anak mo… manang mana sayo at kay Love…”

“Hehe, oo nga eh… nakuha niya ang galing ng mama nya sa pagsasayaw at ang galing ko sa pagkanta…”

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon