Chapter 24: rock'en roll

43 0 0
                                    

“Kurt, iho pwede ba kitang makausap?” tawag sa akin ni Tito Jim, bakit kaya?

“Ah, sige po” sagot ko sa kanya.

Naglakad siya papuntang garden at umupo sa bench doon kaya sumunod naman ako sa kanya…

“Kurt, pasenya ka na kung ma-aantala ang pagpapahinga mo, may gusto kasi akong abihin sayo bago ako umalis.”

“Ayos lang po yun Tito ano po ba ang gusto nyong pag-usapan natin?”

“Iho, tungkol ito kay Courtney.” Tss ano kaya ang tungkol sa babaeng yon…

“Ano po yon Tito?”

“Kurt, pasensya ka na kay Courtney ha, alam kong alam mo ang nararamdaman ng anak ko para sayo, hindi ko naman hinihingi na suklian mo iyon, syempre na sa iyo parin ang desisyon. Ang hiling ko lang ay magkasundo kayong dalawa, ikaw na muna ang bahala sa kanya habang wala ako, wag mong hayaang makadama siya ng lungkot, mababaw lang naman ang kasiyahan ni Courtney, kahit ituring mo lang siyang kaibigan naniniwala akong sasaya siya ng sobra.” Seryosong sabi sa akin ni Tito Jim…

“ah…eh…” ano ba yan wala akong masabi, masyado naman kasing seryoso si Tito Jim at di ako sanay pero tama naman siya, wala nang kasama dito ang babaeng yun kundi kami, kami na ang tatayong pamilya niya kaya wala na syang mabibilinan pang iba, siguro… nahahalata din ni Tito na ilang ako sa anak niya.

“sige iho, inaantok ka na ata, mamahinga ka na at gabi na din…” paalam sa akin ni tito, tumalikod siya at pumasok na sa bahay kaya sumunod na din ako, syempre ano pang gagawin ko sa garden? Huhuli ng tutubi?

Jim’s POV

Bilang ama at kaisa-isang pamilya ni Courtney gusto kong makasigurado na ayos siya pag-alis ko, yun ang dahilan ng pagkausap k okay Kurt, pero mukang nagulat siya sa sinabi ko sa kanya, pumasok na ako para kausapin naman ang prinsesa ko, hindi kasi kami gaanong nakapag-usap kanina gawa ng dumating ang mga kabanda naming ni Melvin dati.

Pumunta ako sa kwarto…

Wala pa si Courtney dito, malamang ay tinulungan pa niya magligpit si Esther, nilabas ko ang maleta galling sa Cabinet, hindi pa nga pala ako nai-impake ng damit.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiimpake nang may pumasok sa kwarto…

“Papa, bukas nap o iyan… tara na at magpahinga nap o tayo.” Aya sa akin ng maganda kong anak.

“nako, hindi pa pwede mahirap na at baka may makalimutan pa ako.” Sagot ko sa kanya, umupo ako sa kama habang tinutupi ko ang ilan kong damit na dadalin.

“Anak, pasensya ka na kung kailangan nating maghiwalay ha, alam mo naman kasi na kailangan ko rin to para mapag-aral kita, ubos na ang ipon ko kaya naman sana maintindihan mo.”

“Papa ok na po sa akin yung naging desisyon nyo, naiintindihan ko naman po kayo, saka isa pa malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko.”

“basta mag-iingat ka pa rin ha, at isa pa lagi mo akong tatawagan dapat lagi akong may update sa nangyayari sayo dito ha, naku! Wag kang pasaway kina Tito Melvin at Tita Esther mo nakakahiya”

“Papa alam ko naman po iyon, kayo po ang mag-ingat doon ha, wag niyo pong pabayaan ang sarili niyo at wag kayong masyadong magpagod.”

“Oo naman no! sige na matulog ka na at alam kong pagod ka na…” nahiga na siya upang matulog habang ako ay patuloy sa pag-iimpake ng gamit…

Courtney’s POV

Papunta na kami sa airport para ihatid si Papa…

This is it… ito ang araw na hanggat maaari ay ayaw kong dumating, pero syempre kailangan tanggapin koi to. Si Papa at Tito Melvin panay ang kwentuhan, ako, heto nakatingin lang sa bintana. Haaay. Para talaga akong timang nito, tanggap ko pero nalulungkot ako…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon