Chapter 21. the date/ wanted: D.I

15 1 0
                                    

Courtney’s POV

May date ako ngayon kay Papa Whieeeee!!!!

Dahil tangahali na ako nagising 11:07 na kami naka-alis ni Papa sa bahay.

“Anak nakagayak ka na ba?” ayan hinihintay na ako ni Papa sa baba.

“Opo, Papa bababa na po ako…” dali-dali na akong bumaba dahil naghihintay na ang date ko sa baba, hehe (^o^)

Umaba na ako at nadatna ko si papa na nakaupo sa sala habang naghihintay…

“Kanina pa kita hinihintay, tara na nagugutom na ako…”

“Teka Jim, heto ang susi ng sasakyan, gamitin mo muna, tutal naman eh wala akong lakad ngayon.” offer sa amin ni Tito Melvin…

“Naku pare wag na, gusto naming mgacommute ngayon, alam mo na dagdag bonding din yun…”

“Sige kayo ang bahala mag-enjoy kayo ha…”

“Salamat pare sige at mauna na kami…”

Nag paalam na kami ni Papa kay tito at umalis kami…excited ako sa mangyayari ngayong araw na to, ngayon lang kasi kami ulit lalabas ni Papa.

Sumakay kami ng bus papunta sa mall… balak kasi naming kumain ng lunch saka manuod ng sine…

Kurt’s POV

Lunch time na, kaya bumaba na ako para kumain, actually ngayon pa lang ako baba mula sa kwarto dahil gumagawa ako ng questionnaire para sa babaeng yon, balak ko kasing magtutor sa kanya mamaya kailangan na kasi naming magdouble time since midterms na starting Monday…

“Bakit ngayon ka lang bumaba? Halika na at kakain na tayo.” Tamang tama pala ang baba ko kakain na.

Umupo na ako sa pwesto ko para kumain nakakapagtaka naman at wala si Tito Jim at ang babaeng yon…gusto ko sanang magtanong pero wag nalang baka kung ano pa ang isipin ni Mama, saka sa daldal ni mama sigurado akong malalaman ko rin yun kahit na hindi ako magtanong.

“Honey, umalis na pala sila hindi mo man lang sinabi sa akin?” sabi na nga eh, hindi makakatiis si Mama siguradong magsasalita siya…

“Nagluluto ka kasi saka nagmamadali yung mag-ama, tanghali na sila sa date nila, kaya hayaan mo na lang sila…”

“Kahit na, hindi man lang ako nakapag paalam kay Courtney…” si mama talaga may pagka-isip bata kung minsan…akala mo naman hindi babalik ang babaeng yun dito…

“Hon, babalik pa naman sila dito, mamaya lang andito na yung mga yun kaya wag ka na magtampo dyan ha.” Tama naman si Papa…

Kring…..

Kring…..

Kring….

Nagulat ako nang biglang magring ang phone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag…

Pink

Calling…

Nagexcuse ako kina Papa at Mama para sagutin ang phone ko saka ko pinidot ito…

“Hello…”

“Hello, Kurt… Ano nakakita ka na ba ng Dance instructor? Wala kasi akong makita eh, magtanong na ako sa mga friends ko pero ang mamahal ng fee ng tinuturo nila…”

“Naku, wala pa din akong nakikita eh, mamaya sa internet ako maghahanap…baka sakaling meron doon, susubukan ko rin magtanong sa ibang classmate natin baka kasi may kilala sila…” sagot ko sa kanya…

“Okay, sige…sabihin mo na lang sa akin kung may nakita ka na ha…”

“Ok sige” tapos ay bnaba ko na ang phone ko…

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon