Chapter 20. selos + tulog = LATE

20 1 0
                                    

Neil’s POV

Kanina pa kami nagre-rehearse pero itong si C.L parang wala sa sarili…

“It’s like rain on your wedding day…

It’s a free ride when you’ve already paid…

It’s a good advice that you just didn’t ta —…

“teka nga…” huminto ako sa pagtug-tog sumunod din sina Raven at Bullet…

“C.L may problema ka ba? Nakakatatlong ulit na tayo oh, parang hindi mo alam yung kanta samantalang kinakanta mo naman to dati…”

“Ah, so—sorry ha… ulitin nalang natin last na to promise…”

Nakakapagtaka talaga si C.L hindi naman sya ganito dati… pakiramdam ko may problema talaga ang isang to…

Inulit namin ang kanta at this time medyo ok na si C.L nakukuha na nya ang tono pero hindi pa rin katulad ng dati…

Courtney’s POV

Napagalitan na ako ni Neil dahil sa performance ko, hindi ko kasi makalimutan ang nakita ko kanina sa school bago ako magpunta ng C.R

------Flashback------

Malapit na ako sa c.r nang may marinig akong sigaw ng isang babae kaya naman napatingin ako sa dereksyong iyon…

Si Kurt may kasamang babae…

At…

Nakahawak pa siya sa may bandang waist nito…

“Ku—Kurt?”

Napatakbo talaga ako sa C.R sa sobrang shock sa nakita ko, pakiramdam ko eh hindi ako makakatayo sa sobrang lambot ng tuhod ko plus parang may naka dagan sa dibdib ko…I take a pee, saka ako umalis…sa ibang way ako dumaan para hindi ko sila makita kung sakaling andoon pa sila…

------Flashback------

Grabe halos yakapin nya yung babae samantalang pag ako kahit ata himatayin ako sa harap niya wala syang pakialam… ni hindi nga nya ako makuhang ngitian…

Nakakaselos…

“C.L umayos ka na muna… mamaya hindi na pwede yan ha… aalis na kami…” paalam ni Neil

“Ah sige pasenya na kayo ha masama lang talaga pakiramdam ko… mamaya ayos na ako…”

“Sigurado ka ba? Pwede ka naman umabsent mamaya eh…”

“Oo naman noh! Sayang ang kita kaya sasama ako mamaya, magkita nalang tayo dun…”

“Ok sige pahinga ka muna at wag kung anu-ano isipin mo ha…” ouch, sapul naman ako sa sinabi ni Neil…

Ngumiti nalang ako, lumabas na sila at ako naman ay umakyat sa taas para magpahinga…tutal 6:00 pm pa lang nahiga ako sa kama at pumikit…

Kurt’s POV

Sa wakas makakauwi na din ako…haaay nakakapagod ang araw na ito…

“Kurt, text nalang kita ha…maghanap ka rin ng instructor para makapagstart na tayo, ayokong bumagsak lalo na kung P.E lang din ang subject…”—Pink

“Kahit naman ako eh, sige magtatanong ako ng instructor…”

Naglakad na ako papuntang gate para maka-uwi na, nang bigla kong maalala ang babaeng yon… ang weird nya kanina nung nakita ko sya sa may baba ng hagdan kung saan na-out of balance si Pink. Namumutla siya, parang may sakit?

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon