Chapter 14. Manic Monday...

34 1 0
                                    

Maaga ako nagising… ewan ko ba kung bakit… parang may isang taong walang puso ang umisip sa akin buong magdamag…sabi kasi nila ganon daw yun…

Hindi kaya…

Ghad baka iniisip ako ni Kurt! Hahaha sige lang Courtney libre mangarap! Free day ko pala ngayon kaya ako ay walang klase… hohoho!

House lang ako today… tumulong lang ako kay tita sa mga gawaing bahay… ewan ko ba pero hindi ko trip umalis ng bahay… parang may pumipigil sa akin umalis…

“Iha diba ngayon ang start ng tutorial lessons nyo ni Kurt?”

“Aha! Sabi na eh, kaya pala ayoko umalis, dahil po pala dun? Salamat tita at pinaalala nyo po sa akin…” grabe muntik ko na makalimutan, hehe pero excited ako para mamaya… biruin mo sabay kami mag-aaral ni Kurt…

Mabilis lumipas ang oras… ang dami kasi naming ginawa ni tita kaya medyo hindi ako nainip, pinalitan naming ang mga kurtina sa buong bahay saka mga bed sheet at punda ng unan… nilinis din namin ang buong bahay pati ang garden… ang sarap pala pag may mama ka, may makakatulong ka sa mga gawain tulad nito. I miss my Mom kahit sa picture ko palang siya nakita.

“Tita pwede po ba kayong magkwento tungkol kay mama…” request k okay tita…

“Bakit naman iha?”

“wala lang po, naisip ko po kasi kung siguro buhay ang mama ko magagawa din po naming ang mga bagay na ganito…”

“Namimiss mo ba ang mama mo?”

“Opo tita kahit sa picture ko lang siya nakita at hindi ako nagkaroon ng chance na makasama siya, mamimiss ko pa din po siya…”

“well, hindi naman talaga kami magka-kilala ng Mama mo, sya siguro kilala ko pero ako hindi nya ako kilala, wala naman kasing hindi makakakilala sa “Dance Princess” ng University namin.” Kwento ni tita…

“Dance Princess?”

“Oo, ang mama mo kasi ang captain ng official Dance troop ng University namin… maraming nagkakagusto sa kanya lalo na pag nagumpisa na siyang sumayaw, pero isa lang ang nagmamay-ari ng puso niya… alam ng buong campus yun dahil halos ipagsigawan nung lalaki ang pagmamahalan nilang dalawa at isa pa tuwing wala silang rehearsal makikita mo silang magkasama…”

“Sino po ang lalaking yon? Paano na si papa?”

“Ang lalaking tinutukoy ko ay si Jimmy La Guardia…miyembro ng school band…”

“wow… ibig sabihin mahal na mahal talaga nila papa at mama ang isa’t isa…”

“Oo naman no h nagliligawan pa lang kami ni Melvinn mga-on na ang dalawang yon… taga payo pa nga naming sila pag nagkakatampuhan kami dati… sa totoo lang noon lang ako naging close sa mga yon, ang lagi ko kasing kasama ay mga libro, you know medyo studious si tita nung mga panahon na yon… pero sa kanila ko natutunan ang mga bagay na hindi ko makukuha o mababasa sa ano mang libro…yun yung pagiging totoong kaibigan. Noong makagraduate kami nagkahiwahiwalay na kami at nito nalang ulit kami nagkita-kita…hahaha kaya wala na akong alam...”

“Haay… okay lang po yun tita salamat po…” kahit papano ay natuwa naman ako sa kwento ni tita…”

“Iha maligo ka na, malapit nang dumating si Kurt…”

“Ah sige po pero 8 pa po ang start ng tutorial naming…”

“Syempre kailangan pag dating nya mabango ka na…hahaha…” =__=

Si tita talaga… umakyat na ako para maligo…nilabas ko na rin yung mga books ko na kailangan ko para mamaya sa tutorial…

Dumating na si Kurt sumunod si Papa, at huling dumating si Tito Melvin…after nun ay kumain na kami… tinulungan ko naman si tita sa pagliligpit at pagkatapos nanuod muna ako saglit ng t.v… wala sya dito… siguro nagpapahinga sa kwarto niya…

"you got me..." (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon