Chapter 13. Neil and his feelings

32 1 0
                                    

Courtney’s POV

—_______—

o________o

>________<

O________O

“haaaaalaaaaaaa!, ano nangyari? Bakit andito na ako agad sa kama?”

Napabangon ako bigla sa kama, pagkakatanda ko kasi nasa sasakyan palang kami at pauwi na dito, tapos ngayon bigla nalang akong nagising na andito na ako sa kama, ano kaya ang nangyari?

“Courtney! Buti naman at gising kana… magbihis ka na saka ka bumaba… ipinagtabi kita ng bacon saka fried egg…hindi na kita ginising kanina kasi alam kong pagod ka eh…”—Tita Ester

“Tita paano po ako nakarating dito? Alam ko po kasi nasa sasakyan pa tayo eh…”

“Hahahahaha… wala ka ba talagang matandaan? Kumain ka muna saka ko nalang ikukwento sayo…” lumabas na si tita sa kwarto ako naman nagbihis na saka bumaba… nadatnan ko si Kurt na nanunuod ng Discovery channel…

Tiningnan ko ang orasan… 10:08 na pala, grabe tanghali na ako gumising… sobrang pagod ko pala kagabi, ni hindi ko namalayan kung paano ako nakarating sa kwarto…

Kumakain na ako nang biglang tumabi sa akin si tita…

“Naalala mo na ba kung paano ka nakarating sa kwarto?” tanong ni tita, umiling naman ako sa kanya… puno kasi ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita…

“hay, actually wala naman big deal dun, binuhat ka lang naman ni Kurt na parang isang bride saka ka niya dinala sa kwarto…”

“Aack.” Nabilaukan ako… kailangan ko ng tubig…nataranta naman si tita, at agad siyang kumuha ng isang basong tubig saka inabot sa akin…ininom ko na agad ang bigay ni tita…

“Talaga po? Paano nangyari yun? Si Papa bakit hindi siya ang bumuhat sa akin?”

“medyo nahihilo ang kasi ang Papa at Tito Melvin mo kaya I saked Kurt na buhatin ka… ano ayos ba?” napangiti ako kay tita…

“Ikaw talaga tita…” grabe hindi ko kinaya ang rebelasyon ni tita…

Kinikilig ako… >.<

Kurt’s POV

------Flashback------

“sa wakas nakau—“ naputol ang sinasabi ko nang…

“Kurt anak, ikaw na ang bumuhat kay Courtney papasok, nahihilo kasi ang Papa at Tito Jim mo eh…” utos ni mama

“Ano? Bakit hindi mo nalang siya gisingin?” pag nga naman talaga may kasama kang malas oh… bakit ko naman bubuhatin ang babaeng to?  Ano sya swerte?

“anak, pagod na si Courtney, maawa ka naman sa kanya…” sabay pasok ni mama sa loob dala ang gamit ng babaeng to… tss.. no choice ako na lang ang tao dito…

Binuhat ko na siya… Sh*t… nakalunok ba toh ng bato? Ang bigat niya…hindi naman siya mataba pero ang bigat talaga niya…pero kahit pa pawisa siya kanina, maaoy ko pa rin ang pabango niya…inakyat ko na siya sa kwarto nila at nilapag sa kama kaya lang…

Hindi ako maka-alis nakagadan siya sa braso ko, pinipilit kong makaaalis… hindi ko namalayang magkalapit na pala ang mga mukha namin, ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan… hindi naman pala ganong kasama ang itsura ng babaeng to, makinis ang mga balat niya pati ang mukha, she has curly eyelashes, maninipis na labi, at matangos na ilong…

“Ehem… Kurt wala ka pa bang planong lumabas ng room nila? Balak mo na bang tabihan dyan si Courtney?” nagulat ako nang biglang sumulpot si Mama…

&quot;you got me...&quot; (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon