Epilogue

270 3 0
                                    

"Holy be to the father, to the son and to the holy spirit, amen!" pagtatapos na dasal ni Cholo Felix, isa sa mga anak ng aming pastor na si Pastor Ferdinand Felix.

Si Pastor Felix ang nagtatag ng aming simbahan dito sa Manila mga year 80's pa raw, ayon kay Khalil. Well, hindi naman nya sinabi sakin exactly... naririnig ko lang na pinag uusapan nilang magkakamag anak sa isang family gatherings. Hindi naman sa nakikinig ako ng usapan nila ha, kahit naman kasi malayo ako sa kanila rinig na rinig ko ang usapan nila. Napaka iingay kaya nila, kala mo mga bingi, eh magkakalapit lang naman sila.

So ayon nga, nalaman ko lang na 80's pa pala naitatag ang church na ito kaya marami-rami narin ang mga loyal family na nagsisimba dito. Mabuti nalang at narinig ko iyon, atleast naman ay may idea ako kahit konti sa simbahan na to. Ilang taon na nga ba ako nag sisimba dito? Five years? Yeah right... Kaso sa five years na yun madalas ay absent ako, madalas akong nagkukunyari na masama ang pakiramdam at kung minsan naman ay bibisita ako sa bestfriend kong si Melody sa Laguna ng saturday at uuwi na ako ng sunday ng hapon para lang hindi ako maka simba dito.

Don't get me wrong, I'm not very religious but God knows na lagi ko sya kinakausap, lagi ako nagdadasal kapag malungkot ako, masaya, bago kumain, bago matulog at pagka gising. Nagsisimba naman talaga ako, pero hindi sa simbahan nila Pastor Felix, kundi sa simbahan na mas malapit sa puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pagka allergic ko sa simbahan na to, mabait naman sakin si Pastor Ferdinand Felix at ang kanyang asawang si Amanda Felix yun nga lang hindi ko feel ang mga babaeng asawa ng mga anak nila at 60% na mga pakialamerang kababaihan sa simbahan na ito. Yung 20% kasi ay yung mga matatanda na na walang pakialam sakin at yung another 20% naman ay mga kamag anak ni Khalil na mga plastic.

"Hoy, tumayo ka na dyan" siko sakin ni Khalil na kinagulat ko. Nakatulala na naman kasi ako. Minsan nakakatulong din ung pag tulala kesa naman bumagsak yung mata ko sa antok.

Umirap lang ako sa kanya. "Oo na" masungit kong sagot.

"Ayusin mo na yung dala nating pagkain, di mo ba nakikita nag-reready na yung mga kababaihan." Mahina nyang sabi pero may galit. As usual, lagi naman syang galit at parang bata ako kung ituring. Parehas lang naman kaming 25 years old.

Katapusan na kasi ng buwan ng Hunyo ngayon, at nakaugalian na ng chapel na ito na mag Sunday Lunch Get-together every last sunday ng buwan. Minsan pag may special occasions or events or may mag celebrate ng birthday. Every family ay pwede magdala ng menu na mai-share sa table at pag sasaluhan ng lahat ng member. Hindi naman required magdala lahat dahil sa dami ng member ng church na to, palaging bumabaha ng pagkain at hindi din naman nauubos. Kaso required kay Khalil na magdala ako ng menu, dyan lang naman daw ako magaling eh, sa pagluluto.

Eh ano ba alam nya sakin? Minsan lang naman kaming magkasama, most of the time ay nasa trabaho sya at mas madalas pa nga sya sa bahay ng mga magulang at kapatid nya kesa sa amin ng mga anak nya. Uuwi lang sya para kumain at matulog then gigising, maliligo, kakain at aalis. Sunday lang ang off nya and every sunday dapat maaga palang ay nag re-ready na ako dahil maaga kaming aalis upang magsimba. Pagtapos magsimba ay mag stay naman kami sa bahay ng mga kapamilya nya. Wala man lang kaming bonding apat ng mga anak nya.

Habang abala ang mga kalalakihan sa pagkukwentuhan at tawanan na akala mo ay hindi mga nagkita ng matagal, abala naman ang mga kababaihan sa pag arrange ng mga pagkain na dala-dala nila sa mahabang table habang nag chi-chikahan.

Lumabas ako saglit upang pumunta sa sasakyan. Gusto ko lang huminga kahit five minutes lang. Nasu-suffocate ako sa loob. After five minutes ay nag baby powder lang ako sa mukha at pink lipstick. Hayyy.. Salamat at nag glow naman ako kahit konti, feeling ko kasi lagi ako haggard every sunday. Kinuha ko lang ang dala kong pagkain, Italian Bruschetta na may cheese and salsa dippings at saka lumabas ng sasakyan.

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon