"Let me explain" mabilis na sagot ni Calvin kay Melody.
"Oh, don't worry... I understand" sagot naman ni Melody sa kanya habang nakangiti na may papungay pa ng mata, di ko ma gets kung nagpapa cute ba sya or nang aasar lang. Ah ewan, feeling ko pahiyang pahiya ako sa best friend ko sa nangyari though pansin ko naman na gusto nya ang nangyayari, alam kong gusto nyang i-push ko si Calvin dahil ayaw na ayaw nya talaga kay Khalil. Well, I don't care for now... kaya nag exit nalang ako sa situation na to at bumalik na sa upuan ko.
Nang makapag closing prayer na ay agad nalang akong tumayo at lumabas ng church, wala ako sa mood makipag chikahan pa sa mga taong andito. I'm not feeling well, di ko alam kung kulang ba ako sa tulog or nanlulumo lang talaga ako sa kahihiyang ginawa ko kanina. I can't believe kung bakit ko nagawa yun, and of all places... sa church pa talaga, gaya nga ng sabi ni Melody.
Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa parking area at minessage ko si Xander na hiramin ang susi ng sasakyan sa daddy nya dahil gusto ko nang magpahinga.
"Alam mo ang arte mo talaga" boses ni Khalil sa likuran ko. Napakunot noo ako ng pag lingon ko ay magkakasama na silang palapit sa akin. "Alam mo naman nag ku-kwentuhan pa bago umuwi diba, tapos ikaw andito na" galit na dugtong nya.
"Di ko naman sinabing umalis kayo don ah, pinapakuha ko lang ang susi at dito ako maghihintay sa inyo." sagot ko sa kanya.
"Ganon din naman ang ibig mong sabihin non, gusto mo nang umuwi." sabi nya habang papasok na ng driver's seat. Sumakay na din kaming lahat.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin, ikaw lang ang nag iisip nyan kasi Hari ka ng nega" sagot ko ulit na mas malakas na ang boses ko.
"Ako? Hari ng Nega? Eh anong tawag sayo? Reyna ng kadiliman? Tuwing magsisimba sumasama ang pakiramdam mo, kapag nasa church ka kala mo sinisilaban ka kaya gusto mong lumabas agad!" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya at nanlisik ang mata ko sa galit. Sasagot pa sana ako pero sinenyasan naman ako ni Melody na itigil ko na ang pakikipagtalo. Kabisado na nya kasi si Khalil, alam nya na hindi din naman ako mananalo sa kanya dahil hindi magpapatalo ang mokong na yan. Natauhan naman ako, andito nga pala si Melody. Mabuti nalang at naka headphone si Xander at Xandra. Kabisado na din naman nila kami, alam nila na magtatalo kami dahil lang sa susi na yan, kaya nag headphone na sila.
The right thing to do is manahimik na nga lang, nakakapagod din naman makipagtalo. Sinandal ko nalang ang ulo ko at pumikit. I need to calm down. Maya-maya lang ay napansin ko na huminto na sa harap ng bahay namin ang sasakyan.
"Bumaba na ang mga gustong bumaba, pupunta pa ako kanila Kent" sarkastikong sabi ni Khalil. Walang sabi-sabi ay bumaba na ako, sumunod naman sakin si Melody.
"Sasama kami ni Xander kay daddy, mommy. Mag games kami nila Chantal eh." sabi ni Xandra.
"Okay sige, ingat kayo. Love you" sagot ko naman sabay talikod, dahil badtrip parin ako at ayaw ko muna kausapin si Khalil, kahit sulyapan man lang.
"After all these years, hindi parin talaga nagbabago yan si Khalil. Lalo pa yatang lumala. Sabi ko na sayo dati pa, he's a walking red flags" may inis sa tonong sabi ni Melody. Hindi nalang din ako nagsalita, tama naman kasi sya. Noon palang ay pinipigilan na nya akong magpakasal kay Khalil.
"Ay shit, andyan na pala si kuya" tarantang sabi ni Melody ng mamataan si kuya na naka park sa di kalayuan ng bahay. "Ay naku, Andrea... nakalimutan ko, nagpapasundo nga pala ako kay kuya dito, sasabay na kasi ako sa kanya pauwi sa Laguna. Message mo nalang ako mamaya ha, pahinga ka na" sabi nya.
"Okay sige, ingat kayo ni Kuya Joshua." malungkot kong sabi. Akala ko pa naman makakasama ko pa ang bestfriend ko ngayon, aalis na din pala. Yumakap lang sya sakin at sabay tumalikod na. Maluha-luha akong pumasok sa bahay, at dumeretso sa kwarto. Usually kumakain kami sa labas bago umuwi, pero dahil badtrip din si Khalil sa pagtatalo namin, inuwi nalang nya ako at sya ay doon makikipag family gatherings sa bahay ng kapatid nya. Kakain na yon doon at malamang ay iinom na din mamayang gabi. Nakaramdam ako ng gutom, 1PM na kasi, lagpas lunch time na, pero wala naman akong gana kumain... maya-maya nalang siguro... hihiga na muna ako.
Dumilat ako ng sumasakit ang tyan sa gutom. Tiningnan ko ang oras mula sa bedside table, 6:15PM. Omg, napabalikwas ako ng bangon. Halos limang oras akong nakatulog. Lumabas ako ng kwarto, ako lang mag isa dito. Kinuha ko ang phone ko... wala man lang akong message kahit isa. Naisipan ko na at tawagan si Xandra.
"Hi, mommy, how are you?" bungad nyang sagot mula sa kabilang linya.
"I'm fine anak, pauwi na ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Ay hindi pa mommy, mag uumpisa pa nga lang uminom sila daddy eh. Kakarating nga lang namin dito sa bahay nila Tito Kent, nag golf pa kasi sila kanina... sumama kami para manood" sagot nya.
Ay sus, aabutin pa yata ng madaling araw ang mga to bago makauwi.
"Sino yan mommy mo? Sabihin mo hindi na ako uuwi" rinig ko na sabi ni Khalil na nasa kabilang linya, sinasadya din naman nya talagang iparinig sa akin. Leche talaga tong gago na to, sabi ko sa isip ko. Narinig ko pa na nagtawanan ang mga kainuman nya doon. Di ko nalang pinansin yon, ayaw ko ipakita kay Xandra na affected ako.
"Okay Xandra, sige enjoy kayo dyan. Message ka nalang pag pauwi na kayo ha."
"Sure mommy. Bye!" at binaba na din nya ang phone.
Lalo lang tuloy akong nalungkot, wala ako kasama buong gabi. Napansin ko na hindi pa pala ako nakapag palit ng damit na pinangsimba ko kanina. Agad akong tumayo at nag half bath shower at nagbihis ng white silk nighties ko para mas presko at muling nahiga sa kama.. itutuloy ko nalang ang tulog ko na naputol. Kung makakatulog ako agad, eh kagigising ko lang. Hayyys.
Mga ilang minuto din akong nakahiga ng biglang kumulo ang tyan ko, gosh nagugutom ako... hindi pa pala ako kumain ng lunch. Tumayo nalang ako kahit tinatamad, alam ko na wala ding food dahil day off ngayon ni Yaya Dang, bukas pa ng umaga ang dating nya. Wala din akong gana magluto, ako lang naman mag isa ang kakain.
Binuksan ko ang ref at nagbabakasakali na may makain kahit man lang snacks. Tamang tama at may tatlong piraso na cookies pa na natira sa kinain namin ni Melody kagabi. Nakita ko din na may ilang bote ng soju na binili ni Chantal para inumin sana nila ni Xandra pero pinagbawalan ni Khalil. Kaya ngayon, ako nalang iinom nito.
Nagtungo ako sa upuan sa garden, sa tapat ng gate. Kapag ganitong oras, wala na din naman masyadong tao dito sa subdivision. Walang taong dumadaan ang makakakita sakin na umiinom mag isa na mukhang may pinag dadaanan. Naka tatlong kagat palang ako sa cookies pero naka anim na shot na yata ako ng soju. Masama lang talaga ang loob ko sa mga nangyari ngayong araw, tapos wala man lang akong messages na nare-recieve. Anyari? Kahit si Melody, walang message. Pasaway yun, alam naman nyang badtrip ako. Bahala nga sya.
Kumagat ulit ako sa cookies, ang sarap talaga nitong favorite cookies ko. And then bigla ko naalala na nong binili ko pala to, nakita ko si Calvin. Biglang pumasok sa isip ko si Calvin, nang hindi ko sinasadya. Pumasok na din sa isip ko ang nag nangyari kanina sa cr sa church. Nawala yun sa isip ko kanina dahil sa badtrip ko kay Khalil pero ngayon, bumabalik sa isip ko ang mga nangyari. Yung masarap na halik nya... sayang hanggang doon lang. May kumatok kaso. What the F? Nanghinayang pa talaga ako? Lasing lang siguro ako. Hindi pwede to, I need to stop this. Mag ipon ako ng lakas ng loob para makipag usap sa kanya. I need to talk to him, once and for all para itigil na nya ang kalokohan nya. Napatagay pa ulit ako ng isang shot, at pangalawang shot, at pangatlo.
Kahit mahilo-hilo na ako, I'm sure ready na ako makipag usap sa kanya. Inunblock ko sya sa messenger. Nakita ko na online sya, kaya minessage ko agad.
"We need to talk" Message sent. Uminom ulit ako ng isa pang shot... at pangalawa.
"Finally, you unblocked me. Yeah, let's talk... please" reply nya sakin after 3 minutes.
"Sunduin mo ako now na!" Message sent.
BINABASA MO ANG
Sinfully Sweet Affair
RomanceAndrea Martinez is a 35 year old woman who live with her long time partner Engr. Khalil Martinez. Dahil sa angking ganda at charming personality ni Andrea ay halos walang makapaniwala na may dalawa na syang teenager na mga anak kaya hindi rin maiwas...