Chapter 5

86 2 0
                                    

"Hoy Andrea! Nakaligo na kaming tatlo ikaw nakahilata parin dyan. Tumayo ka na nga dyan" angil ni Khalil habang nagbibihis ng pang simba.

"Mmmmm" matamlay kung tugon. 

"Anong arte na naman yan? Wag mo sabihing tinatamad ka na naman magsimba? Hindi ka na nag simba last week dahil sa pagpunta mo kay Melody, ngayon magsa-sakit sakitan ka naman" angil nya ulit na ngayon ay nakaharap na sa akin.

Nag init ang ulo ko sa mga pinag sasasabi nya, kaya bigla akong tumayo ako at kinuha ang kamay nya para ilagay sa noo ko at nang malaman nya na hindi ako nag iinarte. Madaling araw palang ay nararamdaman ko na tumaas na ang lagnat ko, marahil sa natuyuan ako ng pawis sa maghapon kong pag a-arange ng mga halaman sa garden kahapon. 

Nang maramdaman ni Khalil na talaga ngang may sakit ako, natahimik nalang sya at iiling-iling.

"Tsk. Inabot ka na naman siguro ng madaling araw sa kanonood ng walang kwentang K-Drama na yan. Kaya ka puro ka-dramahan eh" wala na ang pag angil sa tono ng kanyang boses, more on like boses ng pagkapahiya siguro pero gusto parin nya i-point na kasalanan ko tong pagkakasakit ko. 

Habang palabas sya ng kwarto ay tinatawag nya si Yaya Dang. 

"Yaya Dang... dalhan mo ng gamot si Andrea sa kwarto at nilalagnat" malakas nyang sabi. 

Hay salamat at lumabas din ng kwarto. Feeling ko hindi lang sa lagnat ako mag iinit, kundi pati sa presensya nya.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Yaya Dang na may dalang isang basong tubig at gamot. Iniabot ko iyon mula sa kanya at ininom iyon. Pagkalabas nya ng kwarto ay magkakasunod namang pumasok si Khalil, Xander at Xandra upang mag paalam sakin sa pag alis nila. 

"Bye Mommy, pagaling ka!" sabi ni Xander pagkatapos akong i-kiss sa pisngi. 

"Get well soon, Mom!" sabi naman ni Andrea pagkatapos akong i-kiss sa pisngi.

Sumunod si Khalil na humalik din sa pisngi ko. "Alis na kami. Pagaling ka dyan. Baka pag naka-alis na kami mag tatatalon ka sa tuwa kasi hindi ka na naman nakasimba." sarcastic niyang sabi. Inirapan ko nalang sya at saka ako nagtalukbong ng kumot. Alam nya pag ganyan ang reaction ko ay badtrip na ako sa kanya.

Nang marinig ko ang pag alis ng sasakyan at pag sarado ng gate ay tila medyo lumakas ako. Tumalab na kaya agad ang bisa ng gamot? O masaya lang ako dahil hindi ako nakasama mag simba. Yeah, minsan talaga ay nagsasakit-sakitan ako, like masakit ang ulo ko, nahihilo ako or may dysmenorrhea ako. I feel bad about that... hindi naman talaga sa ayaw ko mag simba sa kanila... sobrang toxic lang talaga ng environment doon para sa akin and I can't stand that. Nag sisimba ako sa maliit na chapel dito samin kapag hapon na ay hindi parin sila nakakauwi. Dati ang toxic environment lang ang iniiwasan ko sa church nila, pero ngayon ay kasama na din sa dahilan ay ang pag nais ko na makaiwas kay Calvin. 

Nakatulugan ko na ang pag iisip. Nang mag mulat ang mata ko ay tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko. 11AM na pala, dalawang oras din akong nakatulog. Marahan akong tumayo dahil naramdaman ko na bumaba nga ang lagnat ko, sinat na lang ang meron. Lumabas ako ng kwarto at nang makita ako ni Yaya Dang ay agad siyang nagtungo sa kitchen at pinaghain ako ng pagkain. Magpapahinga nalang ulit ako mamaya pagkatapos kumain at kung medyo umayos-ayos na ang pakiramdam ko ay magsisimba nalang ako ng kasama si Yaya Dang.

________________________________________________________________________________

"Hellooo Tita..." Bati sakin ni Chantal, isa sa mga pamangkin ni Khalil na anak ni Kent. 

"Uyyy Chantal, kamusta? Kelan ka umuwi?" magiliw kong tanong sa kanya.

Lumapit sya sakin at nag beso. Ganon din si Xandra na kasama nyang kumakain ng fries habang nanonood ng TV.

"Kagabi lang Tita, sabi ko kanila mommy next month pa ako uuwi 'coz I wanna surprise them. But yeah, kagabi ako umuwi then nag stay muna ako sa friend ko overnight and then pumunta ako sa church kaninang umaga and don ko sila sinurprise" sagot nya na may pagka maarte pero hindi naman nakakainis kasi natural naman na sa kanya talaga yun plus ang ganda pa nya. Sabi nga, umarte ka ayon sa ganda. Kaya oks lang. She's a pretty girl with bubbly personality and class, kaya naman gusto ko na nakaka bonding nya ang mga anak ko lalong-lalo na si Xandra na may pagka-introvert. First time nila ulit magkita after 10 years dahil nga nag stay kami sa Cebu at sya naman ay nag aral ng 2 year course sa America. 

Ngumiti lang ako sa kanya "Mabuti naman at hindi ka napagalitan ng parents mo dahil kung saan saan ka pa nakitulog imbes na umuwi agad" tanong ko sa kanya.

"Ayon nga eh. Instead na ma-surprise at matuwa sila... pinagalitan at sinermunan ako ng sinermunan after church, nakakahiya, narinig pa ng crush ko. Hayyyy naku, ang insensitive talaga nila. As if naman na hindi ako nakikitulog sa mga friends ko sa US" kwento nya na mukhang badtrip nga.

"Haha, ikaw talaga... di ka pa nasanay sa parents mo" iiling-iling nalang akong natatawa sa kanya. 

"Hay naku, hindi talaga. Lalo na at 2 years akong nawala, wala akong sermon except kapag nag vi-videocall sila. As of now, mag stay muna ako dito Tita ha. 1 week lang naman hehe" Patawa-tawang pag kumbinsi nya sakin. 

"Of course, ikaw pa ba? Mabuti nga at may nakakasama si Xandra, hindi yung lagi nalang nakakulong sa kwarto nya" sagot ko sa kanya.

"Asan pala si Daddy mo, Xandra?" takang tanong ko.

"Pumunta po kanila Tito Kent kasama si Xander, hinatid lang kami dito ni Chantal." sagot nya habang nakatingin sa pinapanood nya.

Hayy mabuti naman at wala sya dito, matutulog nalang ako ng maaga mamaya para pag uwi nya ay tulog na ako. 

Kinuha ko mula sa paper bag kong dala ang mga bulaklak na binili namin ni Yaya Dang sa labas ng chapel kanina. Inayos ko iyon at ini-arrange sa mga flower base ng marinig ko na tahimik na nagku-kwento kay Xandra habang kinikilig. Naputol ko yata ang kwentohan nila kanina sa aking pag dating.

"So ayon nga, grabe yung kilig ko kanina nang makita ko sya. Lalo syang gumwapo, as in. Nagpapapansin na nga ako kaso no epek... kainis. Parang ang lungkot nya kasi kanina eh. Di bale, next week... I'll make another move" kwento ni Chantal kay Xandra na natatawa lang sa kanya.

"Eh baka naman kasi hindi ka nya type no and naiinis sya sa pag-papapansin mo kaya nakasimangot sya. Hahaha" tawang-tawang sagot ni Xandra sa kanya. Lihim nalang akong natawa sa sagot nya, sanay naman na ako sa mag pinsan na to kahit noon pa... lagi sila nag vi-video call at nag uusap ng  kung ano-anong bagay lalo nasa mga crushes nila. They don't care kung naririnig ko usapan nila, they know that I'm cool with that. Like now, they didn't bother kahit marinig ko usapan nila.

"Ouch, it hurts ha! At bakit naman hindi nya ako magugustuhan? Hindi ba ako ka-gusto gusto? I don't believe that. Hinahabol kaya ako ng mga gwapong guys sa States, kaso ayaw ko... I like pinoy parin no. Konting pagpapa-cute lang, magugustuhan din ako non... para marealize nya na gusto pala nya ako" confident na sabi ni Chantal.

"Haha, hay naku cuz. Kahit magustuhan ka non, hanggang doon lang yun. Kasi alam ko, may girlfriend na yun si Calvin no!" sagot ni Xandra sa kanya. Bigla akong natigilan ng marinig ko ang pangalan ni Calvin. Sya pala ang crush ni Chantal... di naman nakapagtataka yun. Gwapo naman talaga sya, at kahit magagandang babae ay magkaka gusto talaga sa kanya.

"Whattt! Double hursts ha! Ang sakit naman non!" Pasigaw na sagot ni Chantal na humawak sya sa dibdib nya at nag inarteng talagang nasaktan nga.

May biglang kumirot sa dibdib ko sa narinig ko na may girlfriend na sya. Parang nasasaktan ako, at hindi inarte lang. 



Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon