Chapter 6

102 2 0
                                    

Nagising ako ng maaga ngayon dahil it's my special day, may plan akong mag punta sa spa, sa saloon, mag shopping and anything na makakapag pasaya ng araw ko. Mahimbing pa ang tulog ni Khalil sa tabi ko kaya dahan dahan akong bumangon. It's only 6AM, usually 7AM pa mag alarm ang alarm clock nya. Nang makalabas ako ng kwarto, nagtungo ako sa sala at nadatnan ko doon si Chantal na nakatingin sa hawak na phone at nakakunot ang noo. Wait, phone ko yung hawak nya ah!

"Chantal?" tawag ko sa kanya na ikinagulat naman nya.

"Good morning Tita, Happy birthday!" naka smile na bati nya sakin.

"Thank you, paano mo nalaman na birthday ko?" takang tanong ko.

"Naglalaro kasi ako ng word puzzle sa phone mo, tapos biglang may nag message. Galing kasi kay Calvin kaya na curious ako, inopen ko. Nag greet lang sya ng Happy Birthday" nagulat ako sa sinabi nya ngunit hindi ako nagpahalata. Hindi parin sya nagbabago, ang hilig parin nya makialam ng phone ng iba at doon mag-games or minsan mag se-selfie pa. Okay lang naman sakin, lagi ko naman kasi iniiwan ang phone ko kung saan-saan.

"Si Calvin Felix, sya yung sa church natin diba?" tanong nya na naniniguro. 

"I'm not sure. Di ko kasi naopen yung profile kaya di ako sigurado." pagsisinungaling ko.

"Nakakapagtaka lang kasi nag memessage sya sayo ng 'Happy Birthday, Tita' yearly. Pero ngayon 'Happy Birthday, Andrea' nalang. Weird!" sabi nya sakin na may curiousity sa mukha nya. 

Agad kong kinuha ang phone sa kamay at binasa ang message nya. Oo nga, 'Happy Birthday, Andrea!' with a heart emoticon pa. Mabuti at hindi na binigyan ng pansin ni Chantal ang heart emoticon na yon. Di ko na pinansin ang sinabi nya kaya iniba ko nalang ang topic.

"Bakit ang aga mo palang nagising?" tanong ko sa kanya.

"May usapan kasi kami ng friend ko sa state, mag call daw sya ngayon. Eh pauwi palang sya galing ng work, gabi kasi doon kaya ako na ang mag adjust, gumising ako ng maaga." paliwanag nya.

"Ah okay, tulungan ko na si Yaya Dang mag prepare ng breakfast para makakain na tayo. Mamaya pa yan sila Xandra magigising, Saturday kasi ngayon" sabi ko sa kanya na sinang ayunan naman nya.

Pagkatapos ko mag prepare ng breakfast ay sabay na kami kumain ni Chantal, nauna ako matapos kaya dumeretso na ako agad para mag shower at agad na nag bihis pagkatapos. Nag denim short lang ako, white spaghetti strap na top na pinatungan ko ng denim jacket. 

"Ang aga mo ngayon ah, kapag galaan talaga ang bilis mo. Kapag mag sisimba ikaw pa ang laging nahuhuli" tinig ni Khalil na nakahiga pa. Nagising na pala sya. Hindi nalang ako umimik sa sinabi nya, may point naman kasi sya.

"At saan ka na naman pupunta? Wag mo sabihing pupunta ka na naman kanila Melody dahil linggo bukas. Tatakas ka na naman" dagdag nya. 

"Dyan lang ako sa Uptown, gusto ko mag relax okay? It's my birthday today!" madiin kong bigkas sa 'birthday'. Sa dami ng makakalimot, sya pa talaga. Tila natahimik naman sya na mukhang napahiya. Maya-maya pa ay lumapit sya sakin habang ako ay nakaupo sa make up table ko at nag aayos. 

"Happy birthday, sorry nakalimutan ko, sobrang busy lang talaga ako" sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

"Lagi naman eh!" may tampo sa tonong sagot ko.

"Oh ayan, pang gastos mo, para sumaya ka" sabi nya na naglapag ng pera sa harapan ko. 

"Umuwi ka ng maaga ha" dugtong nya sabay talikod.

Binilang ko ang pera, nasa 20,000 na tag iisang libo. Well, not bad. Dyan naman talaga sya magaling, magbigay ng pera kapag alam nyang may mali sya. Akala nya, masaya na ako dito. May sarili din naman akong pera, pero syempre tatanggapin ko to... ito na nga lang naibibigay nya tatanggihan ko pa ba. Masyado naman yata akong lugi sa relasyon na to.

Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto at nag suot ng white rubber shoes. Tinignan ko pang maigi ang sarili ko sa salamin.

"Wow Tita, parang teenager lang ah. Para lang tayong magka-age" puri ni Chantal sakin.

"Ayy talaga ba? Thank you!" tanging nasagot ko sa kanya, sanay na din kasi ako sa mga ganyang papuri. 

Dumeretso na ako sa pag labas ng bahay pag katapos ko makapag paalam sa kanila. Kailangan maaga ako dahil dapat hapon ay nasa bahay na ako, may usapan kami ni Melody na mag wine at mag netflix and chill lang sa bahay. 

Nang makasakay ako ng taxi ay tumunog ang messenger ko dahil sa may nag message, si Xandra at Xander pala. Nag greet sakin ng Happy Birthday, tulog pa kasi sila pag alis ko kaya hindi na sila nakapag greet ng personal sakin. Nag reply ako ng thank you and i love sa kanilang dalawa and dahil medyo malayo pa ako sa pupuntahan ko ay naisip ko na mag reply na din muna sa lahat ng nag greet sakin... mga old friends ko and ibang classmates ko noon. Inisa-isa ko lahat na sabihin na thank you with 3 flying kiss emojis. Nag copy-paste lang ako para mabilis, ni hindi ko na nga din binasa ang mga names nila. And then bigla ko narealize na nareplyan ko din pala si Calvin. OMG, with 3 emojis pa yun... baka iba isipin nya. Baka isipin nya na nagustuhan ko talaga yung kissing scene namin sa kitchen. Tsk. Tsk. Mabilis kong hinanap ang name nya sa messenger para i-unsent ang message ko but it's too late, na seen na nya and he's about to reply na din. 

Well, wala na ako magagawa pa... mag dadahilan nalang siguro ako. Na realize ko din kung bakit naging 'Happy Birthday, Andrea' na din ang message nya sakin instead of 'Happy Birthday, Tita' like how he used to greet me yearly. Anong nangyayari? Pasaway na bata to, naka-kiss lang sya... nag first name basis na siya?  Like what Chantal said earlier, weird nga. 

"I miss you, Andrea 😘😘😘" reply nya sa akin, with 3 flying kiss emojis din. Patay, yan na nga ba sinasabi ko eh. Ayaw ko na sana mag reply para hindi na lumaki to, pero I need to explain na wrong sent lang ang message ko sa kanya.

"Sorry, na wrong send lang ako sayo and please stop calling me Andrea." reply ko sa kanya and then nilagay ko nalang sa bag ko ang phone. Ignore ko nalang ang next messages nya para ma realize nya na I'm not interested sa kalokohan nya or whatever it is. 

Mabuti nalang at nag disappear ang stress ko after ko makapag pa whole body spa, nagkapag pa hair color na din ako ng light brown and eyelash extension, feeling ko nag ibang tao ako sa bagong hair color ko, sinipat sipat ko pa ang sarili ko sa salamin ng saloon, ang ganda ko nga talaga. Gaya ng lagi nilang sinasabi.

After ng lahat ng gusto ko gawin, dumaan muna ako sa favorite coffee shop ko para umorder ng frappe and mag take out ng favorite cookies namin ni Melody. Habang naka pila ako sa counter ng coffee shop ay may isang lalake na nagsalita mula sa likuran ko. 

"Hi Miss, pwedeng makipag kilala? I'm Ericson..." nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko na may mga kasama din pala sya, mga naka school uniform sila na pang kolehiyo. Laking gulat ko ng mamukhaan ko si Calvin na kasama din nya. Mukhang nagulat din sya ng makita ako. 

"Andrea?" gulat na sabi nya.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang pag bati, pero di ko na pinansin ang kasama nyang nakikipag kilala sakin. Mabuti nalang at turn ko na sa pag order kaya di ko na din sila pinansin ng tuluyan. Naririnig ko pa ang bulungan nilang tatlo. 

"Pre kilala mo yan? Pakilala mo naman ako... ang lakas ng dating" sabi ng isang nag ngangalang Ericson.

"Pare, ka church mate ko yan at off limits yan. Akin na yan." mahinang sagot nya, pero lumakas naman ang kantyawan nila. 

Nang matapos ako sa order ko ay mabilis na ako umalis pero nagsalita pa sya ng.... "Andrea, see you sa church bukas"  

Wow huh, parang ang yabang ng datingan. Casual nalang nya ako kausapin ngayon. Nilingon ko sya para irapan at iparating sa kanya na hindi ako natutuwa sa ginagawa nya ngunit di ko nagawa yun. Nakangiti sya sakin na ubod ng ganda. Parang mas sweet pa sa cookies na inorder ko. My heart just melted... something that is very hard to understand. 






Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon