'Andrea, see you sa church bukas' paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang mga katagang sinabi nya sakin kanina pati narin yung smile nya na talaga namang nakakalakas ng appeal nya. Bumalik lang ako sa ulirat ng naramdaman ko ang pag hampas ni Melody sa braso ko.
"Ehhh... Grabe kasing nakakakilig ang mga titig ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo no." kilig na kilig na sabi nya. Ganyan talaga yan sya kapag kinikilig sa pinapanood eh, ang ingay na nga, mapanakit pa.
"Wait, hindi ka ba nanonood? Kanina pa kita napapansin na tulaley ha. Umamin ka nga, may nangyari na naman sa inyo ni bagets no?" dakdak ulit ni Melody na kinagulat ko kaya agad kung tinakpan ang bibig nya.
"Tumigil ka nga dyan, may makarinig pa sayo. Ang ingay mo talaga" mahina kung sayaw sa kanya.
"Anong nangyari pinagsasabi mo dyan? Di ko na yun nakikita no!" pag sisinungaling ko.
"Pwes, bukas makikita mo na sya. At kaya ako andito ay sasama ako sa church nyo para makita ko sya." sabi nya na tila nang-aasar.
"What the hell, kelan pa naging issue sayo yang mga boys na papansin sakin. Di ka pa ba sanay?" pag mamayabang ko sa kanya pero alam naman nya na may katutuhanan yun. Madami din kasi syang kaibigan na nagpapalakad sakin na kalaunan naman ay nadidissapoint kapag nalalaman na may pamilya na ako, at may iba naman na walang pakialam kahit may asawa na daw ako.
"Sus, jino-joke ka lang, mapagpatol ka naman. Syempre gusto kita maka bonding no and syempre sasama na din ako sa church nyo bago ako umuwi." bawi nya.
"And look, 2AM na. gigising pa tayo ng 8AM.. konti nalang itutulog natin. Sige ka, kapag naging haggard ka, sakin mapupunta si bagets." dagdag nya na may halong pang-aasar.
"Whatever! Goodnight!" tumayo nalang ako sa sofa at iniwan sya. Tawang tawa naman sya sakin kasi kala nya ay naasar nya ako pero ang totoo ay na alarma ako na six hours nalang pala ang itutulog ko. I need more sleep hours para fresh naman ako bukas. Para maganda ako kapag nakita ako ni Calvin. Wait, what? What I've been thinking? Napatigil ako sa isiping iyon. Nababaliw na yata ako, bakit naman ako concern sa itsura ko bukas para kay Calvin?
________________________________________________________________________________
Nag lagay ako ng baby powder sa mukha at nag lip tint lang habang nagpa-park si Khalil sa parking lot ng church. Nang bumaba na kaming lima sa sasakyan, kasama sina Xander, Xandra at Melody ay tila naman lumalakas ang kabog ng diddib ko. Hindi naman sa excited ako, pero mas nangingibabaw ang kaba. Kinakabahan ako sa anong mangyayari sa paghaharap ulit namin ni Calvin. Baka isipin pa nya na nag simba ako ngayon dahil sa sinabihan nya ako kahapon na 'See you sa church, bukas'. Hindi naman talaga yun ang dahilan, two weeks na kasi akong hindi nagsisimba kaya kailangan ko na talaga mag simba ngayon, kundi sermon na naman ang abot ko kay Khalil.
Pag pasok namin ng church ay may ilang mga kalalakihan na nasa pintuan, sila ay mga sumasalubong at nakikipag kamay sa mga bagong dating. Tumalon sa tuwa ang puso ko ng makita ko na isa si Calvin sa nandoon, feeling ko ay na conscious ako. Kitang kita ko kasi na malayo palang ay naka tingin na sya sa direksyon ko. Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pag lalakad. pagdating sa pintuan ng church ay isa-isa kinamayan ng tatlong lalaki doon kasama si Calvin ang mga kasama ko... nang tumapat na ako sa kanya at kinamayan...
"Nice to see you again" mahinang bati ni Calvin. Nanatili lang akong nakayuko ngunit nakangiti tanda ng pagbati. Naramdaman ko ang init ng mga palad nya na hindi ko naramdaman sa dalawang lalaki na unang nakipag kamay sa akin.
Nang makapasok kami ay agad kaming umupo ni Melody sa bandang likuran, as usual si Khalil ay nandoon na naman sa harapan, at sila Xandra and Xander ay sa mga kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
Sinfully Sweet Affair
RomanceAndrea Martinez is a 35 year old woman who live with her long time partner Engr. Khalil Martinez. Dahil sa angking ganda at charming personality ni Andrea ay halos walang makapaniwala na may dalawa na syang teenager na mga anak kaya hindi rin maiwas...