Chapter 14

61 3 4
                                    

Ngumiti ako sa kanya, at lumapit upang makisilong sa payong nya. 

Agad nya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse nya, sa bandang harapan. Sa tabi nya. Pagkasara nya ng pinto ay agad syang pumasok sa driver's seat. Tumingin muna sya sa akin, bago nya pinaandar ang kotse, hindi na sya nagsalita pa... alam nyang malungkot ako, bakas naman kasi sa mukha ko. Mga five minutes na sigurong tumatakbo ang sasakyan, ngayon ko lang namalayan... kani-kanina kasi ay puno ng katanungan ang utak ko kung asan na ba ang mag-aama ko. Hindi man lang nila ako naisip na susunod sa resto tapos wala naman pala sila. Hindi nila naisip na gutom na ako, na umuulan at mahirap mag commute. Mabuti nalang nandito si Calvin. Tiningnan ko sya, pero deretso lang ang tingin nya. 

"Thank you" mahinang sabi ko sa kanya. 

Tumingin sya sa akin at ngumiti. "No problem" matipid na sagot nya, pero pinatong nya ang kamay nya sa kamay ko na nakapatong sa binti ko. Hinayaan ko lang sya. I don't feel like gusto ko syang sawayin sa pag hawak ng kamay ko. Alam ko na sincere sya. And nakaramdam din ako ng comfort. 

Mga ilang minuto pa ay lumiko kami sa isang maliit na kalye, at sa kalagitnaan ng kalyeng iyon ay nag park sya. 

"Tara, kain tayo." sabi nya sa akin. Nang bumaba sya ng sasakyan ay bumaba na din ako, hindi ko na hinintay na pag buksan pa nya ako. Besides, gutom na gutom na din talaga ako. Inikot-ikot ko ang paningin sa paligid pero wala naman akong makitang kainan dito. Hinawakan nya ako sa kamay upang alalayang makapasok sa isang maliit na pintuan. Sa maliit na pintuang salamin ay may nakasulat na "Welcome to Secret Garden Cafe". Oh, dito pala kami kakain, sabi ko sa sarili ko. Nang makapasok na kami sa loob ay namangha ako sa paligid. Kaya pala Secret Garden Cafe, kasi sa labas ay tila isa lang itong ordinaryong bahay, pero sa loob pala ay isang napaka gandang garden. Puno ng halaman sa mga wall, sa poste at kahit sa bandang itaas. Transparent din ang roof kaya may natural light sa paligid kaya nabubuhay ang mga halaman. Sa ibang cafe na napupuntahan ko ay mga fake plants lang, pero dito... totoong-totoo sila. Tuwang-tuwa ang plantita personality ko. 

"Oh my God, Calvin baby, I miss you" sigaw ng isang babae na tila nasa edad fifty na, sabay lapit kay Calvin at humalik sa pisngi nito. Halatang miss na miss nya si Calvin.

"I miss you din po Mama" sabi nya dito at niyakap nya ang babae. 

Mama? Hindi naman sya ang mother nya, ang pagkakaalam ko. Ano to, sugar mommy nya? Mahilig ba talaga sya sa matanda sa kanya?

"Tara, tara... umupo na kayo" Hila nya kay Calvin na natataranta, at dahil nakahawak parin si Calvin sa kamay ko ay nahihila din nya ako. Dinala nya kami sa bandang sulok na part ng cafe kung saan andon ang coach na two-seater. 

"Ayan, dyan kayo maupo para hindi kayo naiistorbo ng mga papasok na customer" masigla nyang pagkasabi sa amin. Mukhang syang masiyahin at napaka ganda ng vibes nya. Kaya siguro nagustuhan din sya ni Calvin. Sabi ko sa isip ko.

"Wait lang baby ha, kukuha ako ng paborito mo" tarantang sabi nya ulit sabay talikod papasok sa kitchen area, sinundan lang sya ng tingin ni Calvin, halata sa mukha nya ang pagka giliw sa babae.

Pagkaalis ng babae ay bumaling sya ng tingin sa akin. 

"Okay ka lang, Andrea?" tanong nya. 

"Yeah" sagot ko. "Mahilig ka pala sa matanda" mahinang sabi ko.

Napakunot-noo sya "What?" 

"Wala" sagot ko naman. 

Maya-maya lang ay bumalik ang babae na may hawak ng tray ng pagkain at drinks. Nakangiti sya habang nilalapag ang mga iyon sa table namin, at pagkatapos ay umupo na din sya sa harapan namin. 

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon