Chapter 4

92 3 1
                                    

"Andreaaaa.... " tili ni Melody ng makita ako sa harap ng pintuan nya.
"I miss you... " dagdag nyang tili sabay yakap sakin. Ginantihan ko din sya ng mahigpit na yakap. Sobrang miss na miss namin ang isa't isa. Hindi lang kasi kami mag best friend, kinakapatid ko din sya dahil ninong ko ang daddy nya pero parang isang tunay na kapatid na din talaga angturingan namin. Nang naulila ako sa mga magulang nong ako ay nasa high school palang ay ang mga magulang na ni Melody ang kumupkop sakin. Dalawa silang magkapatid, ang nakatatandang kapatid ni Melody na si kuya Joshua na nasa 39years old na ngayon at si Melody na kasing edaran ko lang kaya naman talagang magkasundong magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Sa 10 years naming nanirahan sa Cebu, isang beses lang kami nagkita nito, binisita nya ako doon, at di na ulit iyon nasundan dahil busy din sya sa binuksan nyang restaurant. Pangalawang linggo palang namin dito at naisip ko agad syang bisitahin.

"Baka naman gusto mo akong papasukin?" biro ko.

"Haysss... Kapagod ang byahe" sabi ko.

"Eh bakit kasi hindi ka nagpasabi na pupunta ka dito? Eh di sana pinasabay na kita kay kuya Joshua. Alam mo naman na umuuwi yun dito every saturday." sabi ni Melody habang nilalapag ang isang basong tubig sa center table.

"Para surprise" biro ko.

"Sus, ang arte mo talaga" natawa din nyang sabi at umupo na din sya sa tabi ko.

"So, tell me... ayaw mo na naman mag simba sa church nyo bukas kaya ka andito. Am I right?"
tanong nya sakin kahit alam naman na nya ang sagot.

Bumuntong hininga nalang ako.

"What is it this time? Bakit tinamad ka na naman mag simba? Siguradong aawayin ka na naman ni Mr. Sungit. Hahaha" pang asar nyang sabi. Natatawa nalang din ako kapag tinatawag nyang Mr. Sungit si Khalil. Eh kasi totoo naman... kaya ilag din sya talaga don.

"Ano na? Di ka ba magsasalita dyan?" tanong nya ulit.

Ewan ko ba, di ko alam kung magkukwento ako tungkol sa nangyari nong tuesday sa bahay samin ni Calvin. Wala kaming secrets na tinatago sa isa't isa kaso di ko sure kung dapat ko bang sabihin yun. Kaya hindi din talaga ako sumabay kay Kuya Joshua sa pag punta dito sa Laguna ay gusto ko sanang mag isip isip sa byahe. Napaka daldal pa naman non ni Kuya Joshua, dahil matagal kaming hindi nagkita malamang walang humpay na usapan ang mangyayari sa buong byahe namain. Kaya kahit matagal ang byahe sa bus ay naging mas okay sakin, para wala akong kausap. Gayunpaman, wala parin namang nabuong desisyon sa isip ko kung ikukuwento ko ba sa bestfriend ko ang nangyari or hindi.

"Hay naku Andrea, nararamdaman ko na may nililihim ka sakin. Tawagin mo nalang ako sa kwarto kapag ready ka na mag kwento."
patampo nyang sabi sabay tayo at pumasok sa kwarto nya.

Alam ko naman na nag iinarte lang sya at hindi naman talagang nagtatampo pero nakakaramdam parin ako ng pagka-guilty.

Hinayaan ko na muna sya sa kwarto at humiga ako sa sofa. Nag iisip ako kung pano ko uumpisahan sabihin sa kanya ang nangyari... hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako ng ganito. Hindi ko naman sinadya ang nangyari, nadala lang talaga ako sa mga halik nya.. I can't resist. Pero iniisip ko na kasalanan ko yata kaya na provoke sya na halikan ako, kung hindi ba naman ako naglakad lakad sa harap nya ng wala akong bra, napaka nipis pa naman ng white tshirt ko. Mabuti nalang talaga at narinig ko ang pagdating ni Mrs. Felix kaya nahinto na ang mga dapat pang mangyari. Ilang saglit lang ay dumating na din si Yaya Dang kaya hindi na kami naiwan pang dalawa. Though ilang na ilang ako sa buong maghapon na andon sya sa baha, but he's acting like walang nangyari, lalo lang tuloy akong napahiya sa sarili ko.

Kahit hindi ako pinayagan ni Khalil na bumisita ngayong saturday kay Melody, nagmatigas talaga akong kailangan kong umalis. Ayaw ko talaga kasing magsimba bukas, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa kay Calvin. Kung hindi sana ako gumanti sa halik nya, pwede pa akong magmalaki... kaso alam nyang nagustuhan ko ang mga halik nya. Nakakahiya kasi I didn't act my age.

Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Alam kong hindi luluwag ang nasa loob ko hanggat hindi ko nai-share ito kay Melody.

Tumayo ako sa pagkakahiga sa sofa at marahan akong kumatok ako sa kwarto ni Melody.

"Pumasok ka na" may pagtatampo sa tono ng boses nya.

Pagkabukas ko ng pinto ang tangi ko lang nasabi ay "I'm having an affair!"

Imbes na magulat, ay humalakhak pa talaga sya.

"What? An affair? Ikaw? Hahaha" dagdag pa ulit nya. Di ko alam kung sasabayan ko ang pagtawa nya or maiinis ako. Ano kayang nakakatawa don. Tiningnan ko nalang sya ng masama.

"Hahaha... Sorry, sorry, sorry" pigil sa pagtawa nyang sabi habang naka peace sign.

"Umupo ka nga dito at magkuwento" sabi nya.

Padabog naman akong umupo sa tabi nya.

"Pano ako mag kwento kung pinagtawanan mo na ako?"
naka pout ko na sabi.

"Ano ka ba naman, nabigla lang ako noh at hindi ako makapaniwala. Of all people, ikaw magkaka affair? Eh sa dami dami nga ng nanliligaw sayo, nagpapapansin sayo, na mas hamak naman na mas mayaman at mas gwapo sa masungit mong asawa eh wala ka pinansin kahit isa. Affair pa kaya." dere-deretso nyang sabi.

Tama naman sya, madami talaga ang nanliligaw sakin at mga nagpapahiwatig na gusto nila ako, pero ako na yung umiiwas kahit noon pa, ayaw na ayaw ko pa naman ng tsismis. 

Nang kinuwento ko ang buong pangyayari kay Melody, mula nong 10years ago hanggang sa nangyari sa kitchen namin ay laking gulat nya. Well, sino ba naman ang hindi magugulat diba? sobrang nakakahiya pa. 

"What? Affair na ba yun? But well, grabe yung story mo ha, parang may napanood na ako na ganyan na Hollywood film. Yung Matandang babae, pumatol sa batang estudyante nya... yung ganern" sabi ni Melody.

"Ouch ha! Matanda talaga" inis kong sagot sa kanya.

"Ano ka ba, yung sa movie na napanood ko ang tinutukoy ko, hindi ikaw. Affected ka masyado" mataray nyang sabi pero nakatawa. "Matanong ko lang, alam ba ng Calvin na yan kung ilang taon ka na? Baka naman akala nya ate ka lang nila Xander and Xandra" dagdag nyang tanong.

"Not sure if he knew my age, but Im pretty sure na alam nya na mommy nila ako no kasi mag playmates sila dati." paliwanag ko. 

"In that case, gusto ka talaga non. Kung twenty years old na sya, wala na sya sa teenager phase no. Alam na nya ginagawa nya. Ang tanong, gusto mo din ba sya?" seryoso na nyang tanong.

Di ko alam ang isasagot ko, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung gusto ko ba sya or dahil naghahanap lang ako ng atensyon na hindi naibibigay sakin ng asawa ko. Nanatili lang akong tahimik.

"Kung naguguluhan ka, ibig sabihin may portion dyan sa puso mo na gusto mo sya. Kasi kung wala, deadma lang dapat, at hindi ka dapat naguguluhan." sabi ni Melody. 

I guess tama sya. Gusto ko nga sya... and it wasn't right. Kailangan ko na syang iwasan from now on. 

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon