Calvin's POV
"SHit! Shit! Shit!" sigaw ko na hinahampas ang aking manibela habang nag da-drive. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko. Kanina lang para akong nasa langit sa sobrang saya pero ngayon ay puno ng lungkot at galit ang nararamdaman ko, ewan... hindi ko ma explain. Paanong hindi ako maiinis... pagkatapos ng mga masasayang sandali na pinagsaluhan mamin ni Andrea kanina, gigising nalang sya ng walang naaalala? Imposibleng wala syang naaalala, binabanggit nya kaya ang pangalan ko habang inaangkin ko sya. Maiinit ang mga halik nya sa akin na halos maubusan na ako ng hininga, kala ko nga magkakaroon pa ako ng kiss mark sa leeg. Ano yun? Pinaprank ba ako ng babaeng yon?
Kung nakakaramdam man ako ng galit, syempre hindi dahil sa kanya... maisip ko lang na may asawa na sya ay nagpapagalit talaga sa akin, hindi ko lubos maisip na ang babaeng minahal ko buong buhay ko ay nahahawakan, nahahalikan at nakakasama sa pagtulog ng ibang lalake. Nong bata ako, pangarap ko lang na mahalikan sya sa pisngi, pero ngayon ay pangarap ko nang maging akin sya.
Kasalukuyan ako ngayong papasok sa gate ng isang malaking bahay dito sa Forbes Park, nang makapag park ay dumeretso ako sa likod bahay kung saan may pool party.
"Calvin, pre... kala ko hindi ka na dadating eh" pasigaw ng barkada kong si Ericson dahil sa maingay ang paligid na nagmumula sa malalaking sounds system.
Nginitian ko lang sya ng matipid sabay upo sa couch.
"Mukhang problemado ang barkada natin ah" tukso ni Red habang naka-akbay sa isang babaeng naka swimsuit pero panay selfie. Iiling-iling lang akong ngumiti at hindi din makapaniwala kung bakit ba ako namomroblema ng ganito.
Kinuha ko ang isang bote ng whisky at sinalinan ang isang baso na walang laman sabay lagok bago magsalita.
"Okay lang ako, wag nyo ako intindihin" sagot ko.
"Naku, naku, naku... ang english ba ng 'okay lang ako' ay 'chic problem?' Hahahaha!" pang aasar ni Ericson sabay tawa ng malakas.
"Ulol! Wag mo ako igaya sayo Ericson Macapagal" walang gana kong sagot.
"Ay, potah... badtrip nga. Tinawag ako sa full name" gatong nya ulit sabay nagtawanan silang apat na nasa paligid ko.
"Wag mo kasi igaya sayo si Calvin, hindi yan namomroblema sa chics... mga chics ang namo-mroblema sa kanya." sabi naman ni Topher na tumatawa parin.
Kung alam nyo lang, sabi ko sa isip ko.
"Calvin, babe... it's already 3AM... kala ko hindi ka dadating eh, nagswimming lang kami nila Samantha all night" boses ni Krizzy mula sa likuran ko at ngayon ay nakatabi na sa akin at naka hawak sa braso ko, basang basa pa naman sya dahil mukhang kaka ahon lang sa swimming pool.
Tinitigan ko ng matalim ang apat kong barkada na ngayon ay umiiwas ng tingin pero ngingiti ngiti parin. Hindi kasi nila sinabi sa akin na may mga babae pala silang kasama dito at andito pa si Krissy na dikit ng dikit sakin.
Krizzy is my school mate and she's a Fashion Design student, a campus crush daw lalo na ng manalo sya last year sa beauty pageant ng school namin as Miss Petersberg University. Nakilala ko lang naman sya ng kunin sya ng mga ka team ko na maging muse ng basketball team namin at ako ang escort and since then, hindi na ako tinantanan. Ang dami-daming naghahabol sa kanyang kalalakihan, na kaya namang pumantay sa kagwapuhan ko *ehem* pero di hamak na mas mayaman naman sakin, ewan ko ba kung bakit sa akin pa ito nagdididikit eh never naman ako nagpakita sa kanya ng interest.
"Wala naman akong sinabi na pupunta ako ah" matabang kung sagot sa kanya habang nagsasalin ulit ng whiskey sa baso ko.
Wala naman kasi talaga akong balak lumabas dahil Sunday. Sobrang aga ko gumigising to prepare para sa church kaya maaga ako inaantok kinagabihan. Actually, katatapos ko lang mag shower at matutulog na sana ako nang maka-recieved ako ng message from Andrea. I can't believed na nakatanggap ako ng message sa kanya, at para akong nasa cloud nine habang nagda-drive para sunduin sya. Though na wrong sent lang nga daw sya sakin, I didn't waste my opportunity para makasama sya. Everything went well naman, not until nong gumising sya. Tsk. Tsk. Tsk. Iiwasan na kaya nya ako after what happened. Bumuntong hininga muna ako bago lumagok ulit ng alak.
"But I know you can't resist me" confident na sabi ni Krizzy habang pinupunasan ng towel ang basa nyang buhok na nakaharap sa akin at nakangiting mapang-akit.
Kung ibang lalaki lang ako at kagaya ng mga siraulo kong barkada, baka kanina ko pa sinunggaban ng halik tong babae na to na nasa harap ko.
"Magbihis ka na nga. Magka pulmonya ka pa nyan sa ginagawa mo eh" iwas kong sabi sa kanya. Paano ba naman, madaling araw na ay naka two-piece parin... basang-basa pa at nakadikit pa sa akin.
"Wag mo naman pabihisin tol, nag eenjoy pa kami eh, hahaha" banat ni Ericson.
"Hay naku Erickson, bakla yata tong barkada nyo na to eh" inis nyang sabi sabay irap.
"Hindi ako bakla no, hindi lang talaga ikaw yung type ko." sagot ko sa kanya, yeah I know medyo harsh yung nasabi ko and napaka ungentleman, pero wala lang talaga ako sa hulog ngayon.
"Ang harsh ha!" sagot nya ulit na feeling ko ay napahiya.
"Mukhang alam ko na kung sino ang type mo. Yung babaeng nakita natin sa coffee shop nong saturday no?" singit ni Ericson.
Natigilan naman ako, oo nga, nakita nga pala nila si Andrea non.
"Yeah. Si Andrea... sya yung type ko... and malapit ko na sya maging girlfriend!" confident kong sagot.
"Ayan na... tinamaan na si Mr. Pihikan. Wala ka na pala Krizzy eh, may ibang type si Calvin" pang aasar naman ni Topher.
"Oh well, goodluck sayo. I'm sure naman mas maganda ako don!" mataray na sagot ni Krissy sabay tayo at tumalon ulit sa swimming pool.
Pagkaalis ni Krizzy ay umupo sa tabi ko si Topher. "Ano ka ba 'pre? Ano pa hahanapin mo kay Krizzy? Total package na yan oh. Fresh, sexy - bababoom ang katawan, maganda, campus crush, mayaman at higit sa lahat naghahabol sayo." paliwanag nya.
Totoo naman lahat ng sinabi ni Topher, she's a man's dream girl but I'm not one of them. Si Andrea lang ang dream girl ko, lalo na ngayon na umaarangkada na ako. Itutuloy-tuloy ko na to.
"Mahina yan si Calvin, pare. Tsk. Tsk. Tsk!" sabat ni Red na iiling-iling. Palibhasa kanina pa nilalamutak ang legs ng babaeng katabi nya. "Ilang taon na tayong magbabarkada, wala ka man lang niligawan o natipuhan na babae. Kahit ka chat wala. Kalokohan yata yon" dagdag pa nya.
Nanatili lang akong tahimik, bakit ba pumunta pa ako dito. Imbis na maglalabas ako ng sama ng loob, lalo pa yata akong na badtrip.
"Umamin ka... bakla ka no?" kunyari na seryosong tanong ni Ericson na tumabi pa sa akin at hinaplos ako sa braso.
"Tarantado, puro kayo kalokohan" tabig ko sa kanya na muntik na nya ikahulog sa couch.
"Di nyo ba ma gets? I'm inlove with someone. Hindi nyo sya kilala" sagot ko.
"Eh sino nga? Yung chics don sa coffee shop, yung sabi mong ka church mate mo? Kala ko dahilan mo lang yon kanina kay Krissy eh, para tumigil na" si Ericson ulit. "Saka mukhang tinarayan ka lang non bebot na yun" dagdag nya na natatawa pa.
"Of course not, magkasama kami kanina, kaya ngayon lang ako dumating. Infact, naka first base na ako sa kanya." pagmamayabang ko, para matigil lang ang mga mayayabang na to.
"Don't us, ha! Maniniwala lang kami kapag dinala mo sya sa birthday party mo next month sa resort nyo!" hamon ni Topher sakin. Sumangayon din si Topher, Ericson at Robie na kanina ay busy sa pag ML. Nag sanib pwersa pa ang apat na mokong. Mananalo ba ako dito.
"Okay, deal!" mabilis kong sagot ko.
"YOWNNNN!" sabay-sabay na sigaw nang apat sabay tawanan.
Patay tayo dyan. Nasabi ko sa nalang sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
Sinfully Sweet Affair
RomanceAndrea Martinez is a 35 year old woman who live with her long time partner Engr. Khalil Martinez. Dahil sa angking ganda at charming personality ni Andrea ay halos walang makapaniwala na may dalawa na syang teenager na mga anak kaya hindi rin maiwas...