Chapter 9

96 1 0
                                    

"Sunduin mo ako, now na" message sent.

Napansin ko na ubos na pala ang soju ko, sarap pala nitong strawberry flavored soju, kaya naisipan ko na kumuha pa ng isa.

Ngayon, mangangalahati na itong pangalawang soju ko, at last bite nalang itong cookies ko. 'Nakakalungkot naman'. Naiiyak kong sabi sa sarili ko.

"Andrea... Andrea..." marahan kong minulat ang mga mata ko. Nananaginip ba ako? Sobrang gwapo ng nakikita ko.

"Andrea, bakit ka umiinom mag isa?" tanong nya sa akin.

Hindi ko masyado maaninag ang paligid pero alam ko na si Clavin ang nasa harap ko, naaamoy ko ulit ang hininga nya na amoy methol candy.

"Bakit andito ka?" nakangiti kong tanong sa kanya. Lasing lang kasi ako, kaya ako nakangiti. Okay?

"Diba sabi mo sunduin kita? Now na! Nag alangan pa nga ako eh, pero ka chat ko kasi si Chantal, sabi nya andon daw sila nila Xander and Xandra sa bahay nila kaya I'm sure na wala kang kasama dito" paliwanag nya.

"Eh hindi naman ako sayo nagpapasundo eh" sagot ko. Yeah. Hindi naman talaga ako sa kanya nagpapasundo, kundi kay Khalil. Gusto ko sumunod don dahil nalulungkot ako dito mag isa.

"Whatever. Andito na ako, tara na. Lasing ka na, kailangan mo mahimasmasan" sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko at marahan akong hinila palabas ng gate. Wala akong magawa kundi sumama lang.

Nang nasa loob na kami ng kotse, alam ko na umaandar na ang kotse pero pumikit nalang ako dahil feeling ko ay lalo akong nahilo. Nahihilo man ako pero nahimasmasan na ako at alam ko na si Calvin ang kasama ko, sa lamig ba naman aircon ng kotse nya.

"San tayo pupunta?" tanong ko habang nakapikit.

"Dyan lang sa malapit" sagot nya.

Malapit? Eh feelingko isang oras na sya nagda-drive. Don't me ha. Pasalamat ka lasing ako ngayon kaya wala akong energy makipag usap.

Sa wakas, huminto na din ang sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse, at inalalayan palabas. Infairness, gentleman naman pala. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na parang nasa isa kaming private resort, pero walang tao. Mga ilaw lang na nagmumula sa kalayuan ang natatanaw ko.

"Nandito tayo sa Antipolo, private resort namin to. Look, overlooking diba" sabi nya.

Kaya pala, may mga natatanaw ako na ilaw sa kalayuan, malayo nga talaga. Ilaw yon na nagmumula sa city of Makati or BGC pa yata. Like I said before, wala akong gana makipag usap.

"May pagkain ba dito?" Yan lang nasabi ko. Gutom na talaga ako.

"Yeah, tara pasok tayo. Hindi nawawalan ng food dito" sabi nya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa isang tila Cafe.

Inalalayan nya ako paupo sa upuan na may mahabang table.

Ilang sandali lang ay may dala na syang mainit na sabaw. Naamoy ko, Shin Ramyun. May kimchi at seeweeds on top pa. Natakam talaga ako.

Napangiti ako. "Thank you, paborito ko to" hindi ko na sya inalok... kinain ko na agad. gutom na gutom kaya ako... kaya tinamaan agad ako sa soju eh.

"Alam ko" sabi nya. "Nakita ko na pinost mo yan sa facebook mo. Kaya paborito ko na ito ngayon" sabi nya sabay smile.

Napatingin ako sa kanya. Weird.

"Stalker ka ba?" tanong ko. Sabay kain ulit.

"Haha, sa gwapo kong to? Stalker? Hindi ba pwedeng dahil crush kita?" confident nyang sagot. Tumingin lang ulit ako sa kanya ng naiiling.

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon